Hepatitis Free Philippines

Hepatitis Free Philippines Our goal is to raise awareness, provide education, and advocate for better hepatitis care in the Philippines.

Join us in our journey to improve health outcomes and support those affected by hepatitis.

07/11/2025
11/10/2025

🎒IHANDA ANG GO BAG PARA SA MABILIS NA PAGLIKAS SAKALING MAGKAROON NG TSUNAMI🎒

Matapos ang magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya kaninang 9am, nagtaas ng tsunami warning ang PHIVOLCS sa mga probinsya ng: Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

❗️Paalala ng DOH, ihanda na agad ang Emergency GO BAG sakaling kailangang lumikas dahil sa posibleng tsunami sa iyong lugar.❗️

✅ Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa:
🚨 Emergency Hotline 911
📞 DOH Hotline 1555, press 3




11/10/2025

🚨 MAGING HANDA SA POSIBLENG AFTERSHOCKS MULA SA LINDOL 🚨

Ayon sa PHIVOLCS, posible ang mga aftershocks mula sa magnitude 5 na lindol na naitala sa Zambales at naramdaman hanggang sa mga karatig nitong probinsya.

Maging alerto at mag-ingat mula sa aftershocks dulot ng lindol.

✅Gumamit ng first aid kit kapag may sugat o galos sa katawan
✅Lumayo sa mga sirang gusali, nakalaylay na linya ng kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan.
✅Ihanda ang Go Bag kung sakaling kailanganing lumikas dahil sa aftershocks o paparating na tsunami
✅Bantayan ang anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS
✅Kapag ligtas na, suriin ang bahay at gamit sa anumang sira, gaya ng bitak o pagtagas

☎️ Bukas ang National Emergency Hotline 911 kung kailangan ng tulong.

Source: PHIVOLCS




12/09/2025

Alam mo ba na 3 doses lang ng Hepatitis B vaccine, protektado ka na for life? 🛡️

💉 Vaccination Schedule:
📅 1st dose - Ngayon na!
📅 2nd dose - After 1 month
📅 3rd dose - After 6 months

Good News:
• LIBRE ang Hepatitis B vaccine sa mga government health centers! 🆓
• Safe para sa lahat ng edad
• 95% effective sa pag-prevent ng Hepatitis B

Sino sa mga kakilala mo ang kailangan pa ng Hepatitis B vaccine? Tag them! 👇



https://hsp.org.ph/resources-for-patients-directory-of-doctors/

20/08/2025
20/08/2025

Ngayong August 20, 2025, pormal nang ilulunsad ng Quezon City ang Hepatitis B and C Model of Care sa pangunguna ng Quezon City Health Department (QCHD) at Office of the City Mayor (OCM), katuwang ang Strengthening the Integrated Treatment and Care for Hepatitis (StITCH).

Bilang bahagi ng World Hepatitis Day Celebration 2025, magkakaroon din ng libreng hepatitis screening and counseling para sa QCitizens sa Ground Floor, Quezon City Hall High Rise Building ngayong araw.

Tara na at sabay-sabay nating isulong at panatilihin ang Healthy Atay para HEPA Goodbye!


31/07/2025
31/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

15/07/2025
15/07/2025

Alam mo ba na ang isang PrEP bottle na naghahalagang PHP 1,500 ay maaaring makuha nang libre sa mga DOH HIV care facilities? 💊🏥

Kaya magpa-HIV test upang malaman ang iyong HIV status:
➖ Kung negatibo, magpakonsulta sa doktor para makakuha ng PrEP.
➕ Kung positibo, sumunod sa tamang gamutan o antiretroviral therapy.

Isang paalala ngayong National HIV Prevention Awareness Month.




Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hepatitis Free Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram