27/04/2022
Mangga vs Monggo!
May dalawang magkaibigan na parehong nagtanim.
Si Tommy nagtanim ng mangga
At si Jhie naman nagtanim ng monggo.
Pareho nila itong dinidiligan at ina-asikaso araw- araw.
Matapos ang ilang araw, sumibol na ang monggo na tinanim ne Jhie
Napatingin si Tommy dahil ang mangga na tinanim nya wala pa ring nangyayari .
Lumipas ang ilan pang linggo, napapakinabangan na ni Jhie ang monggo .
Nagsimula na siyang mag-ani at naibebenta sa palengke sa tamang halaga .
Habang si Tommy patuloy pa din sa pagdidilig at pag-aalaga sa mangga na halos patubo palang.
Lumipas ang ilan pang buwan, may munti nang naipundar si Jhie mula sa pananim nyang monggo.
Tinitingnan nya si Tommy at sinabihan na...
Kung nagtanim ka rin lang ng monggo eh malamang kumikita ka na rin katulad ko at hindi puro pag-aalaga ang ginagawa mo..
Hindi nakinig si Tommy at tuloy2x parin siya sa pag-aalaga ng tinanim niyang Mangga
Lumipas ang ilang taon, nagkitang muli si Tommy at si Jhie .
Malaki na ang punong mangga, hitik na hitik na sa bunga .
Nagsimula na si Tommy na pitasin ang mga mangga at ibenta.
Hindi na rin nya ito kailangan diligan dahil may sarili na itong ugat at kaya na mabuhay mag-isa.
Tuloy tuloy and pag asenso ni Tommy sa kanyang pananim na mangga at patuloy itong namumunga maski si Tommy ay nagpapahinga na.
Si Jhie naman ay patuloy pa din ang pag-aalaga sa monggo nya at kinalaunan.
Mas malaki na ang kinikita ni Tommy kaysa kay Jhie.
Kung ihahalintulad ito sa buhay natin ganito din sa online business.
Parang mangga...
Mag-iinvest ka ..
Pag-aaralan mo at gagastusan mo.
Halos puro palabas ang pera sa simula at hindi bigla ang pag-asenso.
Pero tutukan mo mabuti, palaguin at balang araw kusa na itong kikita .
Karamihan sa atin takot sa online business dahil kulang tayo sa kaalaman.
At mabilis tayong mainip.
Ang business ay pang matagalan (long term solution) at hanggat mapapatakbo mo ito ng maayos..
Kikita ito ng Tuloy2x..
Ang monggo naman ay pwede natin ihalintulad sa pagiging empleyado.
Kada kayod mo sweldo ka ng kinsenas at katapusan.
Pero hindi mo namamalayan nagtatrabaho ka pa din hanggang tumanda ka dahil pag tumigil ka, hinto din ang kita mo..
Marami satin ay mas pinili ang magtrabaho at hindi na ma-isipang mag start ng sariling negosyo.
Dahil dito ay may sense of security.
Walang Risk .
Hindi sasakit ulo mo sa pagpapatakbo dahil susunod ka lang sa boss mo at siguradong kinsenas at katapusan ay may makukuha ka.
Kung hanggang ngayon binabasa mo pa ito ibig sabihin siguro na inspire ka sa content nato or kaya ka umabot dito dahil may purpose...
Tatanongin kita!!
What if may dalawang option ka lang sa buhay na pwdeng pagpipilian ngayon?
Anong Gusto mo:
Option # 1: Maging Empleyado at magtatrabaho hanggang 15-20 Years..
or
Option # 2: Magsimula ng sarili mong online business at 2-5 years from now mag-aani ka na lang sa mga itinanim mo..
Kindly comment your choice sa baba para mabasa ko
" Hindi masama ang pagnenegosyo lalo na kung ito ay Legal at hindi ka nanloloko ng kapwa mo."
Sana may nakuha kang Aral sa content nato..
Your friend,
Coach Regine