Santa Monica de Tondo

Santa Monica de Tondo This page was created to promote culture of hope in life, faith in God and love to one another.

IKA- 8 NG DISYEMBREDAKILANG KAPISTAHAN NGKALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIABanal na Misa: 6:00 PM๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‡...
08/12/2025

IKA- 8 NG DISYEMBRE
DAKILANG KAPISTAHAN NG
KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Banal na Misa: 6:00 PM

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™„๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐˜ผ ๐™„๐™‰๐™ˆ๐˜ผ๐˜พ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ ๐˜พ๐™Š๐™‰๐˜พ๐™€๐™‹๐˜พ๐™„๐™Š๐™‰

O Mahal na Birheng Inmaculada Concepcion, taglay mo ang grasya ng Panginoon sa simula pa lamang ng kalinis-linisang paglilihi sa iyo.
Sa pamamagitan mo ay buong puso naming iniaalay kay Hesus ang aming sarili, mga panalangin, mga gawain, tuwa, at mga tiisin sa araw-araw naming pamumuhay ng buo naming puso at kaluluwa.
Tulungan mo kami, O Inang kalinis-linisan na manatiling buhay sa grasya ng Panginoon. Matuluran nawa namin ang iyong kalinisan at kabanalan sa ikararangal ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
AMEN.

๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ฝ๐™๐™Š๐™Ž๐™„๐™Š, ๐˜–๐˜‰๐˜๐˜š๐˜—๐˜– ๐˜ˆ๐˜› ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜›๐˜ˆ๐˜š ๐˜•๐˜Ž ๐˜š๐˜๐˜”๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ˆ๐˜•๐˜‹๐˜Œ๐˜Š๐˜Œ๐˜”๐˜‰๐˜Œ๐˜™  07, 2025Tuwing ika-7 ng Disyembre, ginugunita n...
07/12/2025

๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต
๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ฝ๐™๐™Š๐™Ž๐™„๐™Š, ๐˜–๐˜‰๐˜๐˜š๐˜—๐˜– ๐˜ˆ๐˜› ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜›๐˜ˆ๐˜š ๐˜•๐˜Ž ๐˜š๐˜๐˜”๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ˆ๐˜•
๐˜‹๐˜Œ๐˜Š๐˜Œ๐˜”๐˜‰๐˜Œ๐˜™ 07, 2025

Tuwing ika-7 ng Disyembre, ginugunita ng mga Katoliko ang Kapistahan ni San Ambrosio, obispo ng Milan at pantas ng Simbahan.

Ayon sa kuwento ng buhay ni Santa Monica, isa si San Ambrosio sa mga dahilan ng pagbabagong buhay ng kanyang anak na si San Agustin dahil na sa mga pangangaral nito at siya rin ng nagbinyag dito nang si Agustin ay nagbalik-loob.

Mayroong isang mensaheng sinabi si San Ambrosio kay Santa Monica na tumatak sa huli, "Huwag kang mawalan ng pag-asa Monica, hindi mangyayari na ang isang anak ay mapahamak sa kabila ng napakaraming luha ng ina!"

๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘ฒ๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ด๐‘ฉ๐‘น๐‘ถ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ถ

Ama naming makapangyarihan, ginawa Mong maging dalubhasa sa pagtuturo tungkol sa pananampalatayang Katoliko uliran sa paninindigang gaya ng sa mga apostol si San Ambrosio. Pukawin Mo sa iyong sambayanan ang mga hinirang Mo para makapamahala nang may karunungan at katatagan alinsunod sa nakalulugod sa Iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช

The angel, Gabriel greets Mary, "Hail, full of grace, the Lord is with you." Luke 1:28Together, let's celebrate the conc...
06/12/2025

The angel, Gabriel greets Mary, "Hail, full of grace, the Lord is with you." Luke 1:28

Together, let's celebrate the conception of Mary without sin, a woman favored by God with full grace, and live with complete trust and obedience to God.

๐‘ช๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘บ๐’๐’๐’†๐’Ž๐’๐’Š๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ฐ๐’Ž๐’Ž๐’‚๐’„๐’–๐’๐’‚๐’•๐’† ๐‘ช๐’๐’๐’„๐’†๐’‘๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ฉ๐’๐’†๐’”๐’”๐’†๐’… ๐‘ฝ๐’Š๐’“๐’ˆ๐’Š๐’ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’š
December 8, 2025 | 6:00 PM

Mass Presider:
Rev. Fr. Bobby Dela Cruz
Parish Priest, Santa Monica Parish

Ninanais ng Diyos na makasundo tayo at maging bahagi sa mana ng kaharian ng kaliwanagan. Magbalik-loob tayo at maging ka...
30/11/2025

Ninanais ng Diyos na makasundo tayo at maging bahagi sa mana ng kaharian ng kaliwanagan. Magbalik-loob tayo at maging karapat-dapat sa biyayang ito. Kaya sa ikalawa ng Disyembre sa ganap na ika-7 ng gabi, nawa tayo'y makilahok sa Sakramento ng Pagbabalik-loob.

Lahat ay malugod na inaanyayahan na makiisa sa Kumpisalang Bayan sa Simbahan ng Santa Monica.

Kumpisalang Bayan
Disyembre 2, 2025
7:00PM, Martes
Santa Monica Parish

30/11/2025

FIRST SUNDAY OF ADVENT
November 30, 2025 | 9:00 AM

MASS PRESIDER:
Rev. Fr. Bobby Dela Cruz | Parish Priest, Santa Monica Parish

"๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐๐€๐˜ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐ƒ๐๐ˆ๐˜๐„๐๐“๐Ž"A Parish Advent RecollectionNovember 30, 2025 (Sunday)Santa Monica Parish | 7:30 ...
26/11/2025

"๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐๐€๐˜ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐ƒ๐๐ˆ๐˜๐„๐๐“๐Ž"

A Parish Advent Recollection
November 30, 2025 (Sunday)
Santa Monica Parish | 7:30 PM

Guest Speakers:

Bro. Vincent Moslares
Licentiate in Theology, Bibilical Theology

Bro. Patric Gamboa
Licentiate in Theology, Missiology

Seminarians from Central Seminary, University of Santo Tomas

๐‹๐”๐Œ๐”๐‡๐Ž๐ƒ ๐“๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐€๐ ๐๐ˆ ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐‡๐€๐‘๐ˆ!Ang prusisyon ng Banal na Sakramento ay sa ganap na ikaapat ng hapon (4:...
23/11/2025

๐‹๐”๐Œ๐”๐‡๐Ž๐ƒ ๐“๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐€๐ ๐๐ˆ ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐‡๐€๐‘๐ˆ!

Ang prusisyon ng Banal na Sakramento ay sa ganap na ikaapat ng hapon (4:00 PM)

๐‘๐”๐“๐€ ๐๐† ๐๐‘๐”๐’๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐Ž ๐’๐€๐Š๐‘๐€๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐๐† ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž๐๐† ๐‡๐€๐‘๐ˆ

MULA SA SIMBAHAN
PUPUNTA NG BRGY 48, BO. MENU
PAPASOK SA BRGY 48 COVERD COURT - papunta sa tabing ilog
LALABAS NG BRGY 49 (pa dagupan)
KALIWA NG CORAL ST.
KANAN NG G. PERFECTO sT.
KANAN NG Cabezas ST.
KANAN ng Dagupan St.
PABALIK NG SIMBAHAN

Hinihikayat ang mga lugar na dadaanan ng prusisyon na maglagay ng imahe ni Kristong Hari (maaaring ito ay hawak-hawak o nakapatong sa isang simpleng altar) para sa pagbabasbas at lumuhod habang dumaraan ang Kabanal-banalang Sakramento.

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ƒ๐˜ผ๐™๐™„!
๐™‘๐™„๐™‘๐˜ผ ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™Š ๐™๐™€๐™”!

23/11/2025

Solemnity of Our Lord Jesus Christ, King of the Universe
November 23, 2025 | 9:00 AM

MASS PRESIDER:
Rev. Fr. Bobby Dela Cruz | Parish Priest, Santa Monica Parish

๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐‡๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž, ๐’๐€ ๐’๐€๐๐‹๐ˆ๐๐”๐“๐€๐Sa Darating na Linggo Nobyembere 23, 2025 ...
20/11/2025

๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐‡๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž, ๐’๐€ ๐’๐€๐๐‹๐ˆ๐๐”๐“๐€๐

Sa Darating na Linggo Nobyembere 23, 2025 ay ating ipagdiriwang ang Kapistahan ng Kristong Hari. Bahagi ng selebrasyon, ay ipuprurisyon ang Banal na Sakramento sa ganap na ikaapat ng hapon (4:00 PM)

๐‘๐”๐“๐€ ๐๐† ๐๐‘๐”๐’๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐Ž ๐’๐€๐Š๐‘๐€๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐๐† ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž๐๐† ๐‡๐€๐‘๐ˆ

MULA SA SIMBAHAN
PUPUNTA NG BRGY 48, BO. MENU
PAPASOK SA BRGY 48 COVERD COURT - papunta sa tabing ilog
LALABAS NG BRGY 49 (pa dagupan)
KALIWA NG CORAL ST.
KANAN NG G. PERFECTO sT.
KANAN NG Cabezas ST.
KANAN ng Dagupan St.
PABALIK NG SIMBAHAN

Hinihikayat ang mga lugar na dadaanan ng prusisyon na maglagay ng imahe ni Kristong Hari (maaaring ito ay hawak-hawak o nakapatong sa isang simpleng altar) para sa pagbabasbas at lumuhod habang dumaraan ang Kabanal-banalang Sakramento.

Halinaโ€™t itanghal natin si Kristo sa ating mga puso habang tayoโ€™y nagkakaisa sa panalangin, papuri, at debosyon. Nawaโ€™y magningning ang Kanyang paghahari ng kapayapaan at awa sa bawat tahanan at bawat kaluluwa.

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ƒ๐˜ผ๐™๐™„!
๐™‘๐™„๐™‘๐˜ผ ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™Š ๐™๐™€๐™”!

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผMapagmahal naming Ama,Lumikha at Panginoon ng sansinukob,ang iyong pagkalinga ang ...
09/11/2025

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ

Mapagmahal naming Ama,
Lumikha at Panginoon ng sansinukob,
ang iyong pagkalinga ang nagtataguyod
sa mga saligan ng daigdig,
at ang iyong karunungan ang gumagabay
sa daloy ng kalikasan.
Taos-puso kaming nagsusumamo:
iligtas mo kami sa nagbabantang panganib ng bagyo,
ingatan mo kami sa lahat ng kapahamakan,
at papanatagin mo ang lahat ng unos ng aming buhay
na nagbabanta sa bawat isa sa amin.
Manatili nawa kaming ligtas sa iyong mapagkalingang mga kamay,
masumpungan namin ang iyong kalooban sa bawat karanasan,
at matapat ka naming mapaglingkuran
bilang mga katiwala ng iyong sangnilikha,
na may pusong puspos ng pasasalamat.
Pawiin mo ang lahat ng aming mga takot at pangamba.
Imulat mo ang aming mga mata
at buksan ang aming mga puso
upang makatugon kami sa pangangailangan ng bawat isa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.

O Mahal na Birheng Maria, aming Masintahing Ina,
ipanalangin mo kami;
yakapin mo kami sa manto ng iyong pag-ibig,
at ipagadya kami sa lahat ng kalamidad.
Amen

Address

Jose Basa Cor. Dagupan Street
Manila
1012

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
1pm - 6pm
Wednesday 9am - 12pm
1pm - 6pm
Thursday 9am - 12pm
1pm - 6pm
Friday 9am - 12pm
1pm - 6pm
Saturday 9am - 12pm
1pm - 6pm
Sunday 7am - 11am
2pm - 7pm

Telephone

+639512963444

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Monica de Tondo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Santa Monica de Tondo:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram