01/01/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป
โ
Gumamit ng dustpan at walis sa paglilinis. โWag damputin ang mga kalat gamit ang kamay.
โ
Gumamit ng mask para takpan ang bibig at ilong habang naglilinis ng paligid. Makatutulong ito para hindi malanghap ang usok o dumi.
โ
Matapos ang salubong, basain ang mga paputok o parte nito bago linisin. โWag nang sindihan ang mga ito.
โ
Ihiwalay ang mga paputok at ilagay ito sa basurahan ng mga hindi nabubulok o non biodegradable.
โ
Magpatingin sa health center kung sakaling makaramdam ng iritasyon habang naglilinis.
Maging responsable at unahin ang kaligtasan sa bawat hakbang matapos ang selebrasyon. Ibahagi ang paalalang ito upang mas marami ang maging ligtas at malusog ngayong Bagong Taon.