04/01/2026
Kailan ko ba Maaring Ipatingin ang Anak ko sa isang OCCUPATIONAL THERAPIST❓❓❓
✨ Sensory Sensitivities
• Masyadong sensitibo sa tunog, ilaw, damit, o ayaw sa maduming laro (basa o malagkit na laruan, buhangin at damo)
• Tumatanggi tuwing kailangan mag-toothbrush at magpagupit ng buhok
• Laging gumagalaw, bumabangga, o ngumunguya ng mga bagay
✨ Emosyon at Ugali
• Madalas mag-tantrums o meltdowns (nagwawala kapag hindi nasusunod ang gusto)
• Hirap kumalma at mag-adjust sa pagbabago
• Nagiging agresibo gaya ng pananakit, paninigaw o pagbato ng gamit
✨ Pagkatuto at Atensyon
• Madaling ma-distract
• Hirap sumunod sa instructions o tapusin ang ginagawa
✨ Araw-araw na Gawain at Self-Care
• Hirap magsulat, gumamit ng kubyertos, magbutones, o magbihis
• Sobrang mapili sa pagkain o ayaw sa ilang textures (malulutong na pagkain gaya ng crackers, prito o kaya naman sabaw at ulam lamang)
• Hirap sa pagligo, pagbibihis, o personal na pag-aalaga
✨ Galaw at Koordinasyon
• Madalas matisod, mahina ang balanse, hirap sa sports o pagbibisikleta
✨ Pakikisalamuha at Paglalaro
• Mas gustong mag-isa at paulit-ulit ang ginagawa o laro
• Hirap makipagpalitan (turn taking) at makipaglaro sa iba
💛 Kung may alinman sa mga ito ang iyong anak, makakatulong ang Occupational Therapy upang suportahan ang kanyang paglaki, kumpiyansa, at pang-araw-araw na kakayahan.
📩 Magsend ng message para mag-reserve o book ng OT assessment