Healers Farm Health and Wellness Resort

Healers Farm Health and Wellness Resort A clinic for all kinds of injury Specialized in STROKE PATIENT / FROZEN SHOULDER /SCIATICA NERVE

28/03/2022
13/02/2022

Nahihilo o Benign Positional Vertigo
Payo ni Doc Willie Ong

Maraming dahilan ang pagkahilo. Pero ang isang pangkaraniwang dahilan ay ang Benign Positional Vertigo.
Kadalasan, ang matinding pagkahilo ay nag-uumpisa sa pag-gising sa umaga kung saan bigla kang uupo mula sa k**a. Ang biglang paggalaw ng ulo ang siyang dahilan. Nakakatakot ito sa pasyente pero hindi naman ito delikado.
Ang Benign Positional Vertigo ay isang problema sa tainga. Nasa tainga ang vestibular system kung saan nagmumula ang ating balanse at pag-galaw. Kung may dumi o impeksyon sa loob ng tainga (otolith), at puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo. Tumatagal itong sakit ng ilang araw.
Heto ang puwedeng gawin:
1. Huwag igalaw ang ulo. Ipirmi lang na nakatingin sa harap. Huwag tumungo o lumingon muna.
2. Idilat lang ang mata at tumingin sa harap. Huwag muna matulog o ipikit ang mata dahil lalo kang mahihilo. Sa gabi na lang matulog.
3. Manood lang ng TV buong araw para maka-focus ang mata sa TV. Umupo lang buong araw at huwag hihiga.
4. Dahan-dahan lang sa pagtayo at paglakad patungo sa banyo at baka mawalan ka ng balanse. Humawak sa kasama o kapaligiran para hindi matumba.
5. Ang gamot sa Vertigo ay ang Betahistine 8 mg tablet, 3 beses sa maghapon. Inumin ang gamot ng 3 araw.
6. Sa mga nagsusuka o hindi makakain, uminom ng paunti-unti ng Oral Rehydrating Solution para hindi ma-dehydrate.
7. Sa pagkain, panatiliing nakatingin sa harap at huwag tutungo. Dahan-dahang isubo ang pagkain sa bibig. Puwede ang lugaw, saging at malambot na pagkain. Ganoon din sa pag-inom. Huwag din itungo ang ulo.
8. Sa pagtulog sa gabi, gumamit ng 3 unan para mataas ang iyong ulo sa katawan. Kapag humiga ka ng flat, doon mag-uumpisa muli ang pagkahilo.
9. Kapag gumaling ka na, dahan-dahan pa rin ang iyong paggalaw ng ulo para hindi bumalik ang vertigo. Good luck po.

Address

Mansalay
5213

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639510121685

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healers Farm Health and Wellness Resort posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Healers Farm Health and Wellness Resort:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram