03/10/2025
PAANO MADEDETEK ANG CKD?
Kadalasan ay walang sintomas ang CKD at maaaring mawala ang hanggang 90% ng paggana ng bato bago lumabas ang anumang palatandaan. Gayunpaman, maaari itong matukoy sa pamamagitan ng simpleng pagsusuri tulad ng pagsusuri ng ihi upang makita kung may protina, at pagsusuri ng dugo upang masukat ang antas ng creatinine.
Kapag lumalala na ang CKD, maaaring maranasan ang mga sintomas tulad ng pamamaga ng bukong-bukong, panghihina, hirap mag-concentrate, kawalan ng gana, at mabula na ihi.
✅ Magpatingin agad sa doktor at magpasuri ng ihi at dugo upang maagapan ang CKD bago pa ito lumala.