27/10/2025
๐ฉบ Panahon na naman ng Trangkaso!
Mahigit 75,000 kaso ng Influenza-like Illnesses (ILI) ang naitala sa Pilipinas ngayong taon, bahagyang mas mababa kumpara noong nakaraang taon at nasa karaniwang trend pa rin ng trangkaso, hindi dapat ipagwalang bahala ngunit hindi kinakailangang magdulot ng pangamba, takot at pagkataranta (panic).
Karamihan sa mga kaso ay banayad lamang at gumagaling sa pamamagitan ng pahinga at tamang pag-aalaga.
Ngunit maaari itong maging malubha para sa mga bata, matatanda, at may malubhang karamdaman o mahinang resistensya.
Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
โ
Magpabakuna laban sa trangkaso
โ
Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahin gamit ang nakabaluktot na siko o tisyu, at itapon agad sa saradong basurahan
โ
Ugaliing maghugas ng kamay
โ
Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
โ
Buksan ang mga bintana upang magkaroon ng maayos na daloy ng hangin
โ
Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
โ
Iwasang makipaghalubilo sa may sakit
โ
Kung may banayad na sintomas at kailangang lumabas, magsuot ng mask
Protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay. ๐ช