10/10/2025
Ngayong World Mental Health Day, isang paalala para sa mga Marikeรฑo: maging mabait at mabuti sa iyong sarili at sa iyong isipan. Ang bawat maliit na hakbang tungo sa paghilom ay isang tagumpay.
Ang mental health ay kasinghalaga ng ating physical health. Normal lang huminto, huminga, at magpahinga para mapangalagaan ang sarili, hindi lang ngayon kundi araw-araw.
Walang dapat magdusa sa katahimikan. Mag-usap tayo nang bukas, tapat, at may malasakit. Sama-sama nating itaguyod ang isang Marikinang may malasakit, suportado, at nauunawaan ang bawat isipan.
Kung ikaw o ang kakilala mo ay nakararanas ng matinding lungkot o pangamba, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong.
๐ National Mental Health Crisis Hotline (NCMH):
Smart: 0919-057-1553 | Globe/TM: 0917-899-8727 & 0966-351-4518 | Landline: (02) 1553
May makikinig at handang tumulong saโyo.