14/10/2025
NAPAPANAHON...
Para maka - iwas magka UBO, SIPON, TRANGKASO...
PALAGING MAY SIPON O BARADO ANG ILONG?
GAWIN ANG MGA SUMUSUNOD PARA MAKATULONG MAKAIWAS:
1.💪🏻 Palakasin ang immune system, halimbawa:
-🌞magpa araw (para sa VIT D na kailangan ng immune system. Tandaan: iwasang magpa araw sa pagitan ng 10am hanggang 3 o 4pm dahil mataas ang UV radiation na naka sunburn)
-🍎🥕🥦🍊🍇kumain ng prutas, gulay at anumang masustansiyang pagkain at inumin
-😴kumpletuhin ang oras ng tulog (sa mga adults ay dapat 7 oras o higit pa)
-🏋♂️🏃🏻♀️🚴🏻♀️mag ehersisyo para gumanda ang daloy ng dugo
-❎️iwasan ang alak / sigarilyo (nakakakababa ng immune system ang alak / sigarilyo dahil may mga chemical ang mga ito na sumisira sa mga immune cells )
2. ✅️panatihing malinis ang pangangatawan (pagligo araw araw, madalas na paglilinis ng kamay, etc.)
3. ❎️iwasang manghihiram o makiibahagi(share) ng mga personal na gamit
4. 🥛uminom ng maraming tubig dahil sa tubig ang naghahatid ng mga kailangan ng mga immune cells pinanatiliing malusog ang nga cells.
5. 👃umiwas sa "irritants" (usok, matapang na amoy, etc) at "allergens" (balahibo, alikabok, etc), halimbawa:
-✅️palitan ang kumot, kobre-kama, punda ng unan kada linggo
-✅️mag mask kung kinakailangan katulad kung nasa labas o naglilinis ng bahay
-❎️umiwas sa mga alagang hayop hanggat maari
-✅maaring gumamit ng air filter o purifier
6. 💉magpa Flu vaccine
-✅️ang isa sa maaring sanhi ng pagsisipon ay ang inFLUenza. Pero ang pagpapabakuna ng Flu ay hindi nangangahulugang di na magkakasipon, marami pang ibang sanhi ng pagsisipon tulad ng ibang virus at bacteria.
*Mungkahi: kung may sipon ay maaring uminom ng gamot para dito. Kung di nag iba ang pakiramdam sa loob ng 3-5 araw o mas lumala, magpa konsulta agad.
PAALALA:
Maaring magtanong tungkol sa karamdaman sa ENT, i comment below o i-pm nyo ang FB page na ito ang inyong tanong...
Please like our FB page, and feel free to share any of our ENT tips / post...