21/03/2022
MAHALAGANG PABATID:
Mapagpalang araw po sa lahat! Ang Mariveles Rural Health Unit IV ay malugod kayong inaanyayahan sa paglulunsad ng Bloodletting Activity sa darating na Ika-5 ng Abril taong 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga.
Maaari po kayong magparehistro sa mga Barangay Health Stations na nakasasakop sa inyong lugar o sa aming tanggapan.
Tara na at mag-donate ng dugo upang makatulong sa ating kapwa! Inaasahan po namin ang inyong pagdalo.
“Dugong taglay, sasalba ng buhay” ❤️