25/09/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ข๐ฃ๐ข๐ก๐
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, inaasahang daraan sa ating bayan ang Tropical Storm Opong. Kayaโt kami po ay muling nananawagan sa lahat ng Mariveleรฑo na mag-ingat, maging handa, at manatiling mapagmatyag para sa ating kaligtasan.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ:
1. Malinis na inuming tubig
2. Flashlight at ekstrang baterya
3. Fully-charged na cellphone at powerbanks
4. Extrang damit at kumot
5. Pito o whistle para sa senyales ng saklolo
6. First Aid Kit at mga kinakailangang gamot
7. Pagkaing hindi madaling mapanis gaya ng delata at biskwit
8. Mahalagang dokumento sa waterproof na lalagyan (valid IDs, titulo, birth certificates, atbp.)
9. Alkohol, face mask, at iba pang pangkalinisan
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ:
1. Siguraduhing nakasave ang mga emergency hotlines ng Pamahalaang Bayan at ng inyong Barangay.
2. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at maging handa kung kinakailangang lumikas. (https://www.facebook.com/kuyaajconcepcionofficial/posts/757445290168319)
3. Huwag basta lumabas ng bahay lalo na sa kasagsagan ng bagyo.
4. Makinig lamang sa mga opisyal na abiso mula DOST-PAGASA, Provincial Disaster Risk Reduction Office, Municipal Government of Mariveles at MDRRMO Mariveles upang makaiwas sa maling impormasyon.
Sama-sama tayong magbantay, maghanda, at magtulungan upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at buong bayan ng Mariveles.
Mag-iingat po ang lahat.