18/11/2025
Ika 18 ng Nobyembre | Housing Covered Court Brgy. Batangas II
Matagumpay po nating naidaos ang libreng bakuna laban sa Pulmunya para po sa ating mga minamahal na Senior Citizen ng Barangay Batangas II, Barangay Alion at Barangay Lucanin. Ito ay sa pangunguna ng ating Mobile Doctor na si Doctor Dennis Isidro na kung saan ay nagbigay ng impormasyon patungkol sa proteksyon at kahalagahan ng Pneumonia Vaccine. Katuwang din sa programa ang mga ating nurse na si Ma'am Rodessa Balbutin, Ang ating mga masisipag na Midwife at Barangay Health Workers (BHW). Dumalo at nagbigay suporta rin sa nasabing programa ang ating Punong Bayan, Mayor Attorney Ace Jello Concepcion.
Lubos din ang ating pasasalamat sa buong suporta ng pamunuan ng Barangay Batangas II sa pangunguna ni Kapitana Korina Villapando at Kagawad on Health W***y Magpantay sa Barangay Alion sa pangunguna ni Kapitan Al Balan at sa Barangay Lucanin sa pangunguna Kapitan Ando Rito
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, mas mapapalakas natin ang proteksyon ng ating mamamayan.
Maraming Salamat po.