25/11/2025
National Children’s Month Celebration 2025
Sa temang “OSAEC–CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban”, matagumpay nating naisagawa ang programa ngayong Nobyembre 25, 2025 sa MNHS-Batangas II Covered Court.
Maraming salamat sa mga naging tagapagsalita na nagbigay ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon sa ating mga mag-aaral:
Ms. Rosselle Fernandez – MCPC (Mariveles Child Protection Council)
Mga kinatawan ng MAYA (Mariveles Youth Alliance)
Pat. Carl Aldrin D. Rotas – CAD PNCO
Isang malaking pasasalamat sa ating katuwang, ang Brgy. Batangas II Council sa pangunguna ni Punong Barangay Korina D. Villapando.
Sa ating Punong G**o, Mr. Arvin N. De Dios, pasasalamat sa kanyang suporta at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang layunin ng programang ito.
Pagbati sa mga batang nagwagi sa Poster Making Contest:
1st Place - Abby Jhan E. Alvarez
2nd Place - Aikeen Louise Matillano
3rd Place - Crystal Maiden Villamor
Higit sa lahat, pasasalamat sa bawat batang aktibong nakilahok —ipinaglalaban namin ang iyong kaligtasan, karapatan at kinabukasan.