17/10/2025
Dahil sa dedikasyon at pagsisikap ng bawat isa, matagumpay nating nakamit ang Gold Awardee para sa TB Preventive Treatment program at Bronze Awardee para sa Case Notification Rate!
Ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa institusyon, kundi para sa buong komunidad na ating patuloy na pinaglilingkuran. Sama-sama nating labanan ang TB!
📌Ang TB Preventive Treatment (TPT) ay isang uri ng gamot o lunas na ibinibigay sa mga taong posibleng may TB bacteria sa katawan pero wala pang sintomas o aktibong sakit.
Layunin nitong pigilan ang paglala ng TB infection at maiwasan ang pagkakaroon ng active TB disease sa hinaharap.
⸻
🩺 Karaniwang ibinibigay sa:
• Mga batang may kontak sa taong may TB
• Mga taong may mahihinang resistensya (hal. may HIV)
• Mga close contacts ng TB patients
• Mga healthcare workers sa high-risk areas
📌Ang TB Case Notification Rate ay tumutukoy sa dami ng mga kasong naiuulat o nadidiskubreng may TB sa isang partikular na lugar sa loob ng isang taon.
🎯 Layunin nito:
• Masubaybayan ang dami ng mga taong natutukoy at nai-uulat na may TB
• Sukatin ang performance ng TB program sa paghahanap at pag-diagnose ng mga kaso
• Makita kung tumataas o bumababa ang mga naiuulat na kaso sa komunidad
📷 credit to pantone escanilla