06/04/2026
Bakit kailangang tapusin ang schedule ng anti-rabies vaccine?
Para mas maintindihan, ganito po ang nangyayari sa loob ng katawan:
🧠 Ang katawan natin ay parang nag-aaral kapag binibigyan ng bakuna.
👉 Tuwing tinuturukan ka ng anti-rabies vaccine, tinuturuan ang immune system mo kung paano labanan ang rabies virus.
Pero hindi ito natututo agad sa unang turok.
📚 Parang exam — hindi ka puwedeng puma*ok sa test kung isang page pa lang ang nabasa mo.
Kailangan mo tapusin ang buong aralin (vaccine schedule) para handang-handa ang katawan mo kung sakaling may totoong rabies virus.
💉 Sa unang session (Day 0), nagsisimula lang kilalanin ng katawan ang virus.
💉 Sa pangalawa at pangatlo (Day 3 at 7), nagsisimula nang bumuo ng sundalo (antibodies).
💉 Sa Day 7 pa lang, may sapat na bilang ng panlaban sa rabies.
💉 Sa huli (Day 28), pinapatatag at pinapatibay pa ang proteksyon.
Kaya kung hindi mo ito tinapos, parang kulang ang armas ng katawan mo.
Hindi sapat para labanan ang rabies kung sakaling puma*ok ito.
📍Malhacan Branch- #259 Malhacan Meycauayan
📍Valenzuela Branch- #130 MC Arthur Dalandan Valenzuela City
✅Monday to Sunday
🕦Hours:7:00Am - 7Pm
☎️0968-588-5007 / 0916-180-2595