07/10/2024
Sana meron nang Libreng TDAP para sa mga buntis🙏
Doc Ma-Ri-Tes (Mata, Richard Tesoro)
Pedia ng Bayan
New Politics po ang laban ko. Naniniwalang pwedeng manalo kahit di gagasto. Online lang upang magbigay ng inspirasyon sa napakarami pang deserving at kilalang content creators upang mawala na ang mga Trapo na mga lumang mukha.
Ako po ay isang Pediatrician.
Focus po ako sa mga mahal niyong anak at sa mga mahal niyong mga apo.
Madaming dengue patients namamatay, araw araw, di po dapat ganun karami, alam ko po ang kulang at solusyon. Dati po akong consultant ng Dengue ng World Health Organization .
Madaming babies namamatay sa pertussis, wala po kasi tayong libreng tdap vaccine para sa buntis. Dapat meron
Delayed ang mga bakuna sa health centers, nalagay sa pangamib ang buhay ng mga sangol, dapat parating meron
Maraming mga bata na may autism at adhd pero ilang taon bago maassess, wala rin libreng therapy, wala ring compensation ang mga magulang sa dagdag gastusin.
Maraming mga adolescent ngayon may mental health problems dala ng kakaibang social media era, kailangan ng programa specific para sa kanila
Maraming minor ang naexpose na sa online gambling, pwedeng mawasak ang kanilang kinabukasan, proteksyonan natin sila
Pati K12 naging pabigat sa kabataan, tumagal lang ang proseso sa gustong maging profesyonal . Kung di man natin matangal na yan, gawan ng paraan na kumonte ang mga subjects ng kolehiyo.
Dapat ring labanan ang paglipat ng pondo ng Philhealth ngayong kulang pa ang benepisyo lalo na kabataan.
Improve Primary Healthcare!
Yan po at marami pang iba ang plano ko sa Senado at sa tulong rin ng Kabayan Partylist sa congreso