27/05/2025
Rabies Awareness at ang mga Stages Nito:
Ang rabies ay isang nakamamatay na viral disease na kumakalat sa pamamagitan ng kagat o galos ng infected na hayop, kadalasang a*o. Sa Pilipinas, marami pa ring ka*o ng rabies dahil sa mga hindi nababakunahan o hindi natatapos na bakuna sa kagat ng hayop.
Mga Stages ng Rabies Infection:
Incubation Period – Wala pang sintomas. Naglalakbay pa lang ang virus papunta sa utak. Pwedeng tumagal ng ilang linggo o buwan, pero usually 1–3 months.
Prodromal Stage – Nagsisimula ang mga sintomas gaya ng lagnat, sakit ng ulo, pagod, at pangangati o pananakit sa lugar ng kagat.
Acute Neurologic Phase – Lumalala ang sintomas: pagkabalisa, kalituhan, hallucinations, hydrophobia (takot sa tubig), at pamamanhid o paralysis.
Coma and Death – Sa huling yugto, magkakaroon ng coma at kalaunan ay ikamamatay ng pasyente dahil sa respiratory failure o cardiac arrest.
Ka*o sa Cabuyao, Laguna
Noong Mayo 18, 2025, isang 31-anyos na lalaki sa Cabuyao, Laguna, si Janelo Limbing, ang namatay dahil sa rabies matapos siyang makagat ng a*o siyam na buwan ang nakalipas. Isa lang ang natanggap niyang dose ng bakuna, kaya hindi siya lubos na protektado. Nagsimula ang mga sintomas noong Mayo 15 at namatay siya makalipas ang tatlong araw, kahit na naospital siya.
Bakit Mahalaga ang Rabies Awareness?
Ang nangyari kay Janelo ay nagpapakita ng kahalagahan ng tamang pag-iingat at pagbabakuna matapos makagat ng hayop. Dapat ay kumpletohin ang buong course ng bakuna (PEP) para mapigilan ang paglala ng rabies at maiwasan ang nakamamatay na epekto nito.
Ugaliin nating pabakunahan ang mga alagang a*o at pusa, umiwas sa mga galang hayop, at magpatingin agad sa health center o ospital kung nakagat ng hayop.