19/10/2025
โ ๏ธIto ay panawagan para sa sama-samang pagkilos at pagsusulong ng mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.โ ๏ธ
An oras, kwarta, ngan panlawas nga mawawara kon magkasakit ka diri na mababalik. Buhata yana an kinahanglan.
An paglikay diri la mas maupay kay ha pagtambal โ amo ini an paagi pagpanalipod ha ngatanan nga imo ginhigugma. โค๏ธ
๐บ Kumain ng masustansyang pagkain. Sundin ang Pinggang Pinoy:
๐ 1/4 para sa kanin o root crops
๐ 1/4 para sa karne, isda, itlog, o munggo
๐ฅฆ 1/2 para sa gulay at prutas.
Iwasan ang sobrang alat, tamis, at taba.
Limitahan ang processed food, softdrinks, at junk food.
๐บ Matulog nang sapat at kalidad ang pahinga.
Matulog ng 7 hanggang 9 na oras bawat gabi.
๐บ Uminom ng sapat na tubig araw-araw.
Uminom ng 8 hanggang 10 baso o 2 hanggang 3 litro ng tubig araw-araw.
Mas marami kung mainit ang panahon o kung pawisin.
๐บPanatilihin ang tamang timbang at balanse sa pagkain.
Iwasan ang labis na pagkain at alamin ang iyong Body Mass Index (BMI).
๐บ Gawing bahagi ng araw ang paggalaw at ehersisyo.
Gawin ang 150 minutes ng moderate activity bawat linggo tulad ng brisk walking, dancing, o biking.
30 minutes kada araw, limang beses sa isang linggo.
Muscle-strengthening activities d2-3 beses sa isang linggo.
Gumamit ng hagdan sa halip na elevator at maglakad papunta sa malapit na lugar bilang simpleng paraan ng aktibong pamumuhay.
๐บIwasan ang paninigarilyo at limitahan ang pag-inom ng alak.
Walang ligtas na antas ng paninigarilyo.
๐บ Magpabakuna laban sa mga sakit. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng buong pamilya, lalo na laban sa tigdas, flu, COVID-19, at hepatitis B.
๐บ Panatilihin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran.
Linisin ang bahay at bakuran upang maiwasan ang mga lamok at iba pang peste. Itapon ang mga stagnant water at mga basurang maaaring pamugaran ng lamok.
๐บ Maghugas ng kamay nang regular.
Gumamit ng sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo bago kumain, pagkatapos gumamit ng palikuran, at pag-uwi galing sa labas.
๐บ Iwasan ang labis na paggamit ng gadgets at pag-upo nang matagal.
Magpahinga ng ilang minuto bawat oras upang mag-inat o maglakad.
Limitahan ang screen time, lalo na bago matulog.
๐บ Magkaroon ng regular na check-up kahit walang nararamdaman.
Ang maagang pagdiskubre ng sakit ay nakakatulong upang maiwasan ang komplikasyon at mabawasan ang gastusin sa ospital.
๐บ Palakasin ang mental health.
Makipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Gumawa ng mga bagay na nakapagpapasaya gaya ng paglalakad, pagpipinta, o pag-aalaga ng halaman.
๐บ Maging handa sa sakuna at emergency.
Maghanda ng basic emergency kit na may first aid supplies, tubig, flashlight, at mahahalagang dokumento.
Image from The Pillar Official page.