07/11/2025
๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Mapagmahal at Mahabaging Diyos, lumalapit kami sa Iyo na may mapagkumbabang puso upang humiling ng proteksyon laban sa banta ng malakas na bagyo. Ilayo Mo kami mula sa malakas na hangin at ulan. Ingatan Mo ang aming mga tahanan, pamilya at komunidad, pati na ang aming mga pinagmumulan ng pagkain, inumin at kabuhayan. Ipagkaloob Mo ang karunungan at tapang sa aming mga lingkod-bayan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Ipagkaloob Mo sa amin ang patuloy na pag-asa at pananampalataya sa Iyo. Nawa'y lagi naming makita ang Katotohanan sa Iyong Salita: Nang sila'y nababahala, tumawag sila sa Panginoon, dininig nga sila at iniligtas sa kanilang kahirapan. Ang malakas na bagyo ay Kanyang pinatahimik at pinatigil, kahit ang naglalakihang alon ay tumahimik sa Kanyang utos (Awit 107:28-29).
Ito'y hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,
ipanalangin Mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz at mga Kasamang Martir, ipanalangin Nyo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin Mo kami
San Diego de Alcala, Patron ng aming Diyosesis, ipanalangin Mo kami.
Mahal na Patrong San Pedro Apostol, ipanalangin mo kami!
๐๐ป๐๐ป๐๐ป