24/11/2025
𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐞ñ𝐨 𝐏𝐖𝐃 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬.
Sa ilalim ng 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ang mas inklusibo at maaasahang serbisyo para sa mga Persons with Disabilities.
Katuwang ang Muntinlupa City Persons With Disability Affairs Office (PDAO), narito ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga Muntinlupeñong may espesyal na pangangailangan:
✅ 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗣𝗹𝘂𝘀 - libreng medical checkup, dental care, therapy sessions, mental health counseling, at gamot para sa PWDs, lalo na sa mga walang kakayahang bumiyahe papunta sa ospital.
✅ 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗕𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 - direktang serbisyong medikal sa tahanan para sa mga bedridden o PWD na may limitadong pisikal na kakayahan.
✅ 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗔𝗚𝗔𝗣 (𝗔𝗴𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗔𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝘁𝗮) - libreng therapy at developmental support para sa mga batang PWD, lalo na sa may autism, ADHD, at iba pang kondisyon.
✅ 𝗣𝗪𝗗 𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀 - livelihood training, seminars, at reading assessment clinics para sa PWDs, kasama ang Gender and Development (GAD) at Public Employment Service Office (PESO) sa ilalim ng Muntinlupa Emergency Employment Program.
✅ 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁 - pagsusuri ng mga pampublikong establisyemento para matiyak ang accessibility para sa lahat.
✅ 𝗠𝗥𝗕 𝗜𝗧 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 - training at patimpalak sa larangan ng IT para sa kabataang PWDs kung saan nahahasa at naipapakita ang kanilang kakayahan sa teknolohiya.
Para sa mga tanong, mungkahi, o may nais na serbisyo, makipag-ugnayan sa PDAO:
📧 Email: pdaomunti@gmail.com
📱 Mobile: 0961 079 1296