24/09/2025
ALAMIN ang dapat gawin Bago, Habang at Matapos ang isang bagyo o baha
Bago bumagyo o bumaha
-I-check ang mga parte ng bahay. Ayusin
ang mga sirang bahagi
-Ibaba ang mga babasaging gamit sa sahig
-Maghanda ng Emergency Go Bag o E-Balde
-Makinig sa radyo o TV para sa mga balita tungkol sa bagyo
-Alamin ang mga emergency numbers na maaaring tawagan
-Alamin kung saan ang evacuation center sa inyong lugar
Habang Bumabagyo o Bumabaha
-Makinig sa radyo o TV ukol sa balita tungkol sa bagyo
-Huwag hayaan ang mga bata na maglaro sa ulan
-Ihanda ang mga pagkain upang hindi ito masira
-Uminom lamang ng malinis na tubig. Kung hindi sigurado, pakuluan ito hanggang dalawang minuto
-Huwag buksan ang mga kagamitang nabaha tulad ng gas o electrical appliances
-Kung hindi kinakailangan, huwag lumabas ng bahay
-Mag ingat sa mga lumilipad na bagay
-Huwag pumunta sa tabing-ilog o dagat, pati sa mga lugar na maaaring mag- landslide
-Tumawag o humingi ng tulong kung nasugatan
-Iwasan ang mga lugar na may baha. Maaari itong makakuryente o magdulot ng sakit.
-Mag evacuate kung kinakailangan. Sundin ang protocol ng inyong barangay.
Pagkatapos bumagyo o bumaha
-Magsuot ng protective equipment tulad ng gloves at bota. Suriing mabuti ang inyong bahay bago bumalik dito
-Mag ingat sa mga hayop na maaaring nakapasok sa loob ng inyong bahay.
-Ireport agad kung mayroong sirang electrical cable o linya ng telepono
-Huwag buksan ang main power switch o magsaksak ng electrical appliances. Tumawag muna sa isang electrician.
-Suriin ang mga pagkain at itapon ang mga nasira dahil sa baha.
Maging mapagmatyag at laging handa sa sakuna.