03/12/2025
📣📣NMH, Pinangaralan Ulit ng National na Award‼️
Kamakailan lamang ginawadan na ng 4 stars for Green and Safe Health Facility si Narra Municipal Hospital mula sa 3 stars nito. Sa 16 na PGP hospitals sa Palawan, 3 lamang ang nabigyan ng ganitong karangalan. Kasabayan nito ang SPPH at AMH, at ang ibang mga kilalang health facilities sa buong bansa.
Kung maalala natin, ang NMH ay naging Level 1 na hospital noong 2020, mula sa isang Infirmary na hospital. Kaakibat ng pagtaas sa Level 1 ng NMH, nagkaroon na rin ito ng lisensya na mag hire ng mga espesyalista sa Internal Medicine, Pediatrics, OB-Gynecology, Surgery, Anesthesiology, at ang pinakahuli ay ang Dentist. Kung kaya, mayroon na tayong mga Cesarean Section at pag -oopera ng iba't ibang kaso sa Narra Municipal Hospital. Nagkaroon na rin tayo ng kapasidad na manggamot ng iba't ibang kasong Medikal sa tulong ng mga espesyalista sa Internal Medicine at Pediatrics.
Mula 2020, marami na rin tayong mga community outreach programs, Medical and Surgical Missions, Libreng Tuli, Blood Letting Programs, Malnourished Kids Clinic, Diabetic Club Clinic, Mental Health Clinic, Libreng Bunot, at marami pang samu't saring mga serbisyo. At ang pinakahuli ay ang p**ikipag-ugnayan ng NMH sa mga katutubo ng Narra para mabigyan sila ng tulong sa medikal na aspeto, sa pamamagitan ng TuLAY KALINGA (Tulong, Alalay, at Kalinga) Para sa mga Katutubo program nito.
Marami na ang nagbago mula noong 2020, bagay na napasalamatan ng mga naka avail ng mga ganitong serbisyo sa NMH.
Patapos na ang 2025, sana pagdating ng bagong taon, kaakibat nito ang pagbabago hindi lamang ng NMH kundi ng buong komumidad sa Narra. Sana sa 2026, there would be more GRATEFUL HEARTS and APPRECIATIVE EYES that can truly embrace our 💖 services.
Kung sa national nga na level, si DOH nakikita ang NMH improvements... Pwede po, pa na din po? 🥰☺️
Pwede kaya palambing ng isang YAKAP 🤗 mula sa mga pusong 💖 puno ng pag-unawa 🥲at pagmamahal 🥰 ninyo ngayong Pasko?
😆
😁💓