03/03/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐จ๐ฅ; ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐, ๐๐ ๐๐ก๐ฒ๐ฌ๐ข๐๐ข๐๐ง๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐๐ฌ, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Mas pinaigting ng Norala District Hospital ang kampanya laban sa malnutrisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Orientation, Lecture, at Workshop sa paggamit ng Severe Acute Malnutrition (SAM) Screening Tool, na dinaluhan ng mga miyembro ng PIMAM Committee, ER Physicians, at mga nars ng ospital.
Ang pagsasanay ay naglalayong palakasin ang clinical competence ng mga frontliners sa maagang pagtukoy at agarang pamamahala ng mga kaso ng severe acute malnutritionโlalo na sa mga batang dumarating sa Emergency Room at Out-Patient services.
Sa lecture proper, tinalakay ang standardized protocols sa nutritional assessment, kabilang ang tamang pagsukat ng Mid-Upper Arm Circumference (MUAC), weight-for-height evaluation, at pagkilala sa mga clinical signs ng SAM gaya ng bilateral pitting edema at matinding pagkapayat. Sinundan ito ng workshop na nagbigay-diin sa aktwal na aplikasyon ng screening tool upang matiyak ang accuracy at uniformity ng assessment sa ibaโt ibang departamento.
Ang partisipasyon ng PIMAM Committee ay mahalaga sa pagtiyak na ang mga batang may natukoy na malnutrisyon ay mabibigyan ng angkop na interbensyon, referral, at monitoring. Samantala, ang aktibong pakikilahok ng ER physicians at nurses ay nagsisiguro na ang nutritional screening ay maisasagawa kaagad sa unang punto ng konsultasyon.
Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, pinagtitibay ng NDH ang isang sistematikong approach sa pagtugon sa malnutrisyonโmula screening, clinical management, hanggang follow-up care.