26/11/2023
Ang Project MAHALAGA KA-PA O Mamamayang Handa at Laging Gayak sa Kalamidad at Panganib, ay naglalayong isulong ang kaalaman, kasanayan, kakilusan at ikalat ang ukol sa Disaster and Emergency Preparedness at magkaroon ng pagkilanlan ang NHV na isa sa ligtas na lugar sa Norzagaray at sa Buong Pilipinas.
Ang Project MAHALAGA KA-PA at tutulong sa komunidad ng NHV sa pamamagitan ng;
1. Pagbibigay kaalaman ukol sa Sakuna at Panganib
2. Linangin ang kanilang Kasanayan ukol sa paghahanda at pag respunde rito.
3. Pakilusin at gamitin ang kasanayan upang maitulong sa kapwa mamamayan ng NHV
4. Ibahagi ang kaalaman at kasanayan upang maihanda at maigayak rin ang ibang tao.