20/07/2023
Magkakaroon po ng Mobile Kaagapay sa ating barangay po sa pangunguna po ni Mayora Merlyn Germar.
▪️Ano: Mobile Kaagapay
▪️Kailan: July 21, 2023 (Friday)
▪️Saan: St. Andrew Parish Stage (Patio), Poblacion, Norzagaray, Bulacan
▪️Oras: 8:00AM - 3:00PM
Mga serbisyong inaalok:
▪️Libreng tuli
▪️Libreng bunot ng ngipin
▪️Libreng check up
▪️Libreng gupit at kulay
▪️Libreng salamin sa mata
FIRST COME, FIRST SERVE BASIS.
Ito po ay libre, wala po kayong babayaran pag punta nyo po.
Magdala lamang po ng PAYONG at TUBIG dahil hindi po natin alam kung uulan o kaya ay mainit ang panahon.
Maraming salamat po!
𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐊𝐀𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘
Narito ang LUGAR kada barangay kung saan gaganapin ang ating unang batch ng Mobile Kaagapay, libreng serbisyo handog ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng inyong abang lingkod Mayor Merlyn Germar.
𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟯 - Brgy. FVR (Covered Court)
𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟯 - Brgy. San Mateo (Covered Court)
𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟯 - Brgy. Pinagtulayan (Brgy. Hall)
𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟯 - Brgy. Poblacion (Patio)
Manatiling nakaantabay at abangan ang mga susunod na anunsyo para sa SCHEDULE iba pang mga barangay.
Asahan niyo po ang ating patuloy na pagbibigay ng mga libreng serbisyo para sa ating mga Garayeños.