10/09/2025
PABATIDπ’π’π’
π©» LIBRENG CHEST X-RAY | MALUSOG NA MAMAMAYAN, PRAYORIDAD NG BAYAN. β¨
Bilang bahagi ng patuloy na pagtutok sa kalusugan ng bawat Obandenyo, ihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Obando sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO)/Obando Rural Health Unit (RHU) sa pamumuno ni Dr. Abner O. Ganaban ang "Libreng Chest X-ray". Layunin nitong magbigay ng maagap na pagsusuri at dagdag proteksyon laban sa mga sakit tungo sa mas ligtas na pamayanan partikular na sa mga sumusunod:
π TB household and Close Contacts
π 4Ps members and Household members
π Diabetic Patients
π Smokers
π With TB Signs and Symptoms (2 weeks cough, afternoon fever, loss of appetite, sudden weight loss)
π Person with co-morbidities
π Senior Citizen
π Frontliner
π TODA Drivers
Maaaring magpunta sa ating Obando RHU mula Ika-8 ng umaga hanggang Ika-3 ng hapon. Ito po ay first come, first serve basis para sa unang 250 katao edad 15 na taon gulang pataas.
Patuloy ang ating pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ding Valeda, kasama nina Vice Mayor RSR - Vice Mayor Rowell S. Rillera, at ang buong Ika-12 Sangguniang Bayan ng Obando sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan na tapat, abot-kamay, at walang kapantayβdahil ang malusog na Obandenyo ay sangkap sa isang bayan na abot-kamay ang progreso.
.