15/09/2025
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ: ๐-K๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ข๐ฑ๐ถ๐ผ๐ป๐ด๐ฎ๐ป
Idinaos ang Barangayan 2025: E-Konsulta at PUROKalusugan sa Barangay Tumingad, Rizal, at Tuburan, unang mga barangay na kasama sa first wave ng nasabing programa. Layon nitong mailapit sa komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan. Pinangungunahan ito ng Barangay at lokal na pamahalaan katuwang ang RHU, DOH, PhilHealth, at iba pang mga ahensya.
Ipinakilala ang PhilHealth Konsulta (Sulit Tama) na nag-aalok ng libreng screening, laboratory tests, at gamot, gayundin ang PuroKalusugan na nakatuon sa immunization, nutrition, maternal health, sanitation, at iba pang programang pangkalusugan. Sa isinagawang aktibidad, umabot sa 104 patients ang nabigyan ng serbisyo sa Brgy. Tumingad noong August 26, 56 na indibidwal naman sa Brgy. Rizal noong August 27, at 100 sa Brgy. Tuburan noong September 5.
Bahagi rin ng aktibidad ang pamamahagi ng PhilHealth MDR, pagpaparehistro at konsultasyon, pagbibigay ng gamot, at referral para sa follow-up. Tampok rin sa Barangayan ang makabagong Digi-Health ATM mula sa UNILAB.
Para sa mga susunod na schedule ng E-Konsulta at PUROKalusugan, antabayanan lamang ang mga anunsyo o lumapit sa inyong mga Barangay Health Station para sa mga karagdagang impormasyon.