11/02/2026
PhilHealth YAKAP Program
Magandang araw, mga residente ng Olongapo! Inanyayahan ang lahat na lumahok sa gagawing staging ng PhilHealth YAKAP (Yakapin ang Kalusugan Kaagapay ang PhilHealth) Program na gaganapin sa inyong mga barangay.
Layunin ng programang ito na masiguro na ang bawat pamilya ay may aktibong membership at sapat na kaalaman sa mga benepisyong pangkalusugan sa pangunguna po ng ating butihing Mayor Atty. Rolen Paulino Jr., City Health Office at PhilHelath Insurance Corporation.
Mga kabilang sa seserbisyuhan: 4Pโs, Solo Parent, Senior Citizen, Fisherfolks, Farmers, PWDโs, LGBTQ, Indigenous People (IPโs), Vendors, Public Transport Drivers at iba pa.
๐๏ธ Iskedyul at Lokasyon:
Barangay New Ilalim
Petsa: March 10, 2026 (Martes)
Oras: 8:00 AM โ 12:00 NN
Lugar: New Ilalim Covered Court
๐ Mga Serbisyo:
- Registration sa YAKAP PROGRAM
- Updating o Pag-aayos ng impormasyon o pagdagdag ng dependents sa MDR
- Libreng check-up at laboratory
- Pagsagot sa inyong mga tanong tungkol sa kontribusyon at benepisyo
โ ๏ธ Paalala:
Magdala ng Valid ID at kopya ng Birth Certificate o Marriage Contract kung may nais i-update sa inyong rekord. Maaring magdala din po ng ballpen.
Makakasama po namin ang iba't ibang Ahensya ng Olongapo City gaya ng Local Civil Registry para sa may mga katanungan sa Birth Certificate, Phillipine Statistics Authority para sa mga wala pang National ID, Person With Disability Affairs Office para sa may mga kapansanan na hinde pa po naka rehistro, at Office for the Senior Citizen Affairs para sa mga Senior Citizens natin na hindi pa miyembro.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito dahil ang kalusugan ninyo ang aming prayoridad.
Magkita-kita tayo, mga ka-PhilHealth!