22/12/2025
Alamin ang iyong cholesterol levels sa pamamagitan ng Lipid Profile Test! Mahalaga ito para sa maagang pagtukoy ng panganib sa puso, lalo na sa mga may family history ng heart disease. Sukatin ang Total Cholesterol, LDL ("bad cholesterol"), HDL ("good cholesterol"), at Triglycerides. Ang mga target values ay: Total Cholesterol < 200 mg/dL, LDL < 100 mg/dL, HDL > 40 mg/dL (lalaki) o 50 mg/dL (babae), at Triglycerides < 150 mg/dL. Magpa-test tuwing 4-6 na taon kahit walang sintomas at lalo na kung may “risk factors’ ng sakit sa puso. Upang makamit ang “target” lipid levels, kumain ng balanseng diyeta, mag-ehersisyo araw-araw, at iwasan ang mga pagkaing mataas sa taba, mantika at asukal. Uminom ng sapat na tubig at sundin ang payo ng doktor. Protektahan ang iyong puso! ❤️