15/10/2025
Pataas nang pataas ang kaso ng trangkaso/flu/influenza sa maraming bahagi ng bansa. Wala po itong pinipiling edad, pero kagaya ng lahat ng VIRUS, mas vulnerable or mas malala ang sakit sa mga sanggol at mga matatandang mahina ang resistensya. 🦠🤧😷👶👵👴
ITO ANG MAHALAGANG PAALALA base sa clinical advisory ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP):
✅ 1. MAGPABAKUNA NG INFLUENZA/FLU VACCINE FOR 2025 KUNG WALA PA.
Ito ang pinakamabisang proteksyon laban sa malalang trangkaso na nauuwi sa pulmonya at naoospital. 💉
Hindi 💯 % ang proteksyon laban sa FLU kung may bakuna PERO kahit magka-trangkaso pa rin, mas mild at mas mabilis ang recovery ng mga may bakuna kumpara sa mga wala.
Ang FLU VACCINE ay ibinibigay TAON TAON simula 6 na buwang gulang pataas. Lalong lalo na sa mga batang
✔ may HIKA, SAKIT SA PUSO o UTAK (Cardiac or neurologic problems)
✔ immunocompromised
✔ buntis na ina
✔ caregivers ng sanggol na wala pang 6 months (DAHIL HINDI PA SILA MAARING BAKUNAHAN.)
✅ 2. KUNG MAY SINTOMAS, HUWAG NA MUNA LUMABAS.
Kapag ang ikaw o ang inyong anak ay may LAGNAT, UBO, SIPON, PAGSUSUKA at PAGTATAE— WAG NA PONG PAPASUKIN. Magpahinga na muna sa bahay.
Mas mabilis kumalat ang trangkaso sa mga lugaw kung san marami ang tao kagaya ng schools, churches, clinic, at malls. Maging responsable at gawin ang ating part sa pagpigil ng pagkalat ng VIRUS.
✅ 3. GUMAMIT NG MASK AT MAG-HAND HYGIENE
Kung inuubo o sinisipon, magmask lalo na mga public at indoor places. Maghugas ng kamay at turuan ang mga bata na magtakip ng bibig kapag umuubo.
✅ 4. MAY ANTIVIRAL KUNG HIGH-RISK POPULATION.
Kumonsulta agad sa doktor para sa tamang gamot.
✅ 5. KAILANGANG MAGPAKONSULTA AGAD KUNG MAY:
hirap sa paghinga
tuloy-tuloy o mataas na lagnat
unusual na antok, panghihina o iritable
Hindi dumedede o kumakain ang bata o sanggol
⚠️⚠️ASAHAN NATING LALO PANG TATAAS ANG KASO NG FLU lalo na kapag mas lumamig na ang panahon at nagsimula na ang patitipon dahil sa mga holidays. 📈
Ang PINAKAMABISANG LABAN NATIN SA SAKIT AY BAKUNA AT PAG-IINGAT kagaya ng mga nabanggit. ⬆️⬆️⬆️
Tandaan na PREVENTION IS ALWAYS BETTER THAN CURE. Mas matipid ang bakuna kaysa sa kumplikasyon ng sakit.
Mag-ingat po tayong lahat.