11/03/2026
Sa pagdiriwang ng Social Work Month, kinikilala ng Pambansang Pamunuuan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang ating mga social worker—ang mga “Angels in Red Vest” na walang sawang naglilingkod at nagbibigay malasakit sa mga pamilyang Pilipino.
Sila ang katuwang ng programa sa paghubog ng mas matatag na kinabukasan para sa mga benepisyaryo ng 4Ps—mula sa pangunguna sa Family Development Sessions, pakikipag-ugnayan sa komunidad, hanggang sa paggabay sa mga pamilya tungo sa mas maayos at mas maunlad na pamumuhay.
Ang temang “Social Workers: Uplift. Defend. Transform.” ay sumasalamin sa mahalagang papel ng mga social worker sa pag-angat ng buhay ng mga pamilyang kanilang pinaglilingkuran, pagtatanggol sa kanilang karapatan, at pagsusulong ng positibong pagbabago sa bawat tahanan at komunidad.
Ang ating mga social workers ay patunay na ang serbisyo publiko ay may puso, may layunin, at may malasakit para sa bawat pamilyang Pilipino.
❤️