26/09/2023
Ito po ang kumpletong detalye para sa ating darating na Mobile Clinic Activity sa October 28, 2023 Sabado (5am - 10am). Para po ito sa hangarin namin na makapag paabot ng murang Laboratory tests sa mga kababayan naten sa Orani at kalapit bayan sa tulong po ng inyong ValueMed Family at DMYM Laboratory Services.
👉Paraan upang makakuha ng murang Laboratory Test.
1. Tignan po ang unang litrato para sa lahat ng abot kayang Laboratory tests na pwede ninyong pagpilian.
❗Starts with Basic Laboratory package of 250 pesos ONLY❗
2.a) Magpunta sa araw ng Mobile Clinic. Meron lamang pong 50 slots para sa 50 na pasyente sa araw na ito. (First come, First served)
2.b) Mamimigay din po kame ng flyers na nasa ikalawang litrato, kailangan lamang po itong sulatan at dalin sa araw ng Mobile Clinic. (First come, First served)
2.c) Upang masigurado ang inyong Laboratory test magpa rehistro po ng maaga sa halagang 150 pesos, ito po ay ibabawas din sa halaga ng Laboratory test na mapipili ninyo. Ibigay lamang po ang Pangalan, Edad, Kasarian, Contact Number at Laboratory test na inyong napili. Maaari po ninyo kaming bisitahin o kontakin dito. 👇
📍Abigail's Commercial Space 340 National Road Kaparangan Orani
📌Landmark: Kaparangan Elementary School, d'Barlits Bistro, LC Hardware
📌Google Maps: Valuemed Generics Pharmacy Orani, Bataan
☎️: 0969 411 6353 or Chat with Us 📩
3. Ang resulta po ng inyong Laboratory test ay makukuha sa loob ng isang Linggo at may kasama pong libreng pagbasa, konsultasyon at reseta mula sa Doktor. Ipapaliwanag din po ito sa inyo sa araw ng ating Mobile Clinic.
‼️FREEBIES ALERT‼️
Mamimigay din po kame ng libreng Cosmo Cee Vit C upang makatulong magpalakas ng kalusugan at ilang sumusunod na prescription drugs na mareresetahan nito.
20packs (cosmocee 10+2 pack)
5boxes (30tablets per box) - Rosuvastatin Gostatin 20mg
2boxes (100tablets per box) - Losartan Gosartan Plus
1box (100capsules) - Clindamycin
SEE YOU!! 😊🫰❗Like or Follow us for real-time updates❗