17/11/2025
ALAM NIYO BA?
Kinikilala ang unang linggo ng Oktubre kada taon bilang National Newborn Screening Week.
Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol makalipas ang 24 oras pagkapanganak. Ito ay upang malaman kung ang sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder na maaaring maging sanhi ng mental retardation o maagang pagkamatay.
Bukod pa rito ay mayroon pang mahigit 29+ metabolic at iba pang congenital disorders ang maaaring malaman sa NBS. Ito ang dahilan kung bakit importante na ang lahat ng sanggol ay dapat sumailalim sa NBS nang sa ganon ay mabigyan ng agarang aksyong medikal sakali mang positibo siya sa congenital metabolic disorders; at nang maagapan din ang maagang pagkamatay.
Kung kaya't ngayong National Newborn Screening Week, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na bigyang halaga at ibahagi sa mga kakilala ang importansya ng NBS.
"Nay, Tay, Ipa-Newborn Screening n'yo ko ha". Iligtas si baby mula sa mental retardation at maagang pagkamatay. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masayang at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.