Talimundoc BHS

Talimundoc BHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Talimundoc BHS, Medical and health, Talimundoc, Orani.

📢 PHILHEALTH YAKAP HOUSE TO HOUSE MASS REGISTRATION – BRGY. TALIMUNDOCMagandang araw po!📅 February 27 (Biyernes)⏰ 8:30 A...
26/02/2026

📢 PHILHEALTH YAKAP HOUSE TO HOUSE MASS REGISTRATION – BRGY. TALIMUNDOC

Magandang araw po!

📅 February 27 (Biyernes)
⏰ 8:30 AM – 12:00 NN
📍 Brgy. Talimundoc
👉 Uunahin: Purok SENTRO 1

🚶 ABANGAN po kami sa inyong tahanan!
Upang mapabilis ang proseso, ihanda ang:
✔️ Government ID
✔️ Birth Certificate
✔️ PhilHealth ID (kung mayroon)

💙 Ang *PhilHealth YAKAP* ay nagbibigay ng kumpletong benepisyo para sa buong pamilya — buntis, nanay, tatay, bata, lolo at lola.

✅ Para sa aktibong miyembro at dependents
✅ Sakop ang prenatal, panganganak, newborn care, postpartum, LABORATORY, at MAINTENANCE MEDICINES.

📌 Siguraduhing updated ang inyong PhilHealth membership.

Para sa tanong, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center o BHW.

💙 PhilHealth YAKAP: Alagang Kumpleto para sa Malusog na Pamilya!

20/02/2026

📢 **ANUNSYO SA BARANGAY TALIMUNDOC** 📢

Magkakaroon po ng **LIBRENG CHECK-UP** bukas!

🗓 **Petsa:** 02/21/2026
⏰ **Oras:**(Para sa mga tiga brgy talimundoc) 1:00 PM
📍 **Lugar:** ORANI GYM

🔹 **Available Slots (LIMITED ONLY):**
👁 5 slots – Ophthalmology (Check-up sa Mata)
🦷 2 slots – Dental Check-up
🩺 15 slots – General Check up

📌 Maaaring kunin ang **stab/number** sa **Barangay Hall ng Talimundoc**.

Unahan po ang magpapalista at kailangan pong magdala ng VALID I.D at Birth certificate (bata)
Maraming salamat po. 😊

MULI PO KAMING NAGPAPAALALA NA LAGI PONG MAGDALA NG VALID ID (SA ADULTS) AT BIRTH CERTIFICATE (SA MGA BATA) PARA SA MGA ...
12/02/2026

MULI PO KAMING NAGPAPAALALA NA LAGI PONG MAGDALA NG VALID ID (SA ADULTS) AT BIRTH CERTIFICATE (SA MGA BATA) PARA SA MGA MAGTUTUNGO NG ATING HEALTH CENTER.
MARAMING SALAMAT PO!

ANNOUNCEMENT 📢 Magandang Araw! Sa lahat po nang magpupunta sa ating Health center, Check up, Family planning, Bakuna, Di...
25/01/2026

ANNOUNCEMENT 📢

Magandang Araw!

Sa lahat po nang magpupunta sa ating Health center, Check up, Family planning, Bakuna, Dispensing of Meds, at iba pa.

Kayo po ay kinakailangan na magdala ng VALID ID. Para naman po sa edad na 20 years old and below, kailangan pong magdala ng Valid ID, PSA or Birth certificate at VALID ID po ng inyong Guardian or Parents.

Alinsunod po ito sa ating Philhealth Check Utility.
Hinihingi po namin ang inyong suporta, Kasama na rin po ng mahaba po ninyong pasensya.

Kung kayo po ay may mga katanungan, Maaari po kayong makipag ugnayan sa ating Midwife at mga bhws po sa inyong mga purok.

Maraming Salamat po! 😊

Noime CruzLarry GonzalesCherry LuceroJohn Leanard Cruz
29/10/2025

Noime CruzLarry GonzalesCherry LuceroJohn Leanard Cruz

📣 PORMAL NA PAABISO

Ipinapaabot ng Antonino “Tony” P. Roman Memorial Hospital na AVAILABLE NA MULI ang ANTI-RABIES VACCINE para sa publiko. 💉🐶

Ang serbisyo ay bukas tuwing Lunes hanggang Biyernes (kasama ang holiday), mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, at sarado tuwing Sabado at Linggo.

Inaanyayahan ang lahat na magpabakuna upang makaiwas sa rabies — isang sakit na lubos na mapanganib ngunit maiiwasan sa pamamagitan ng tamang bakuna.

Good day po! MR-TD vaccination (Tigas-Tigdas Hangin, Tetano’t Dipterya) today October 18,2025 at Orani RHU, 8:30 to 2:00...
18/10/2025

Good day po!

MR-TD vaccination (Tigas-Tigdas Hangin, Tetano’t Dipterya) today October 18,2025 at Orani RHU, 8:30 to 2:00 pm.

Enrolled as Grade 1 and Grade 7 students (public or private school)
OR age 6-7 / 12-13 years old.

P**i padala po ng Birth Cert or ID po na may birthday, kasama po ang guardian or parent.

Salamat po!

Pabatid!

MR-TD vaccination on Saturday, October 18,2025 at Orani RHU, 8:30 to 2:00 pm.

Enrolled as Grade 1 and Grade 7 students (public or private school)
OR age 6-7 / 12-13 years old.

P**i padala po ng Birth Cert or ID po na may birthday, kasama po ang guardian or parent.

Salamat po!

ANUNSYO: Sa Pagdiriwang ng National Lung Month, Ang Rural Health Unit ng Orani ay magsasagawa ng TB Mass Screening na ga...
15/08/2025

ANUNSYO: Sa Pagdiriwang ng National Lung Month, Ang Rural Health Unit ng Orani ay magsasagawa ng TB Mass Screening na gaganapin sa ika 20 ng Agosto, Miyerkules sa Balut Covered Court kaugnay ang Kagawaran ng Kalusugan.

Kabilang dito ang libreng X-ray, PPD Testing, Pag susuri ng Plema at pagbibigay ng Edukasyong Pangkalusugan laban sa sakit na Tuberkulosis.

Ang layunin nito ang maagang pagtuklas, paggagamot at pag iwas laban sa sakit na Tuberkulosis. Hinihikayat ang lahat ng mga taong mas may mataas na panganib o “High risk individuals” gaya ng mga seniors, naninigarilyo, diabetic, may malulubhang sakit at mga taong nakakasalamuha ng sakit na TB para sa gagawing screening.

Hinihikayat din magtungo ang mga taong may sintomas na ubo mahigit dalawang linggo, pabalik balik na lagnat, pagpapawis sa gabi o hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang at kawalan ng gana kumain upang masuri.

Magtungo sa pinakamalapit na health center para sa paunang pag susuri at pagpapalista sa gaganaping gawain.

Healthy Lungs, pa check ka lungs!

TB ay PrevenTED, get TesTED, para Pamilya ay ProtecTED

25/04/2025

Alas kwatro na! Oras na para gawin ang 4Ts!

Taob - itaob ang mga lagayang maaaring pangitlugan ng lamok

Taktak - itaktak ang mga ito upang matanggal ang natitirang tubig, dumi, o lupa na maaaring may kasama nang kiti-kiti

Tuyo - pumasan ang mga ito upang lubusang masigurong ang mga ito ay wala nang tubig na pwedeng pangitlugan ng lamok

Takip - takpan ang mga ito upang maiwasang pamugaran ng mga lamok

Tandaan, kung walang lamok, walang dengue. Gawing regular ang 4Ts, siguraduhing malinis ang loob at labas ng tahanan upang makamit ang dengue-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


25/04/2025

ALAM NIYO BA?
Isa sa karaniwang problemang pangnutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Ayon sa datos ng World Health Organization, nasa 250,000 hanggang 500,000 batang vitamin A deficient sa buong mundo ang nabubulag kada taon at kalahati ng mga ito ay namamatay.

Kung kaya't patuloy na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na dalhin ang inyong mga anak sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa vitamin A supplementation, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng 1Bataan na nakatutok sa nutrisyon ng matatag na pamilyang Bataeño.



25/04/2025

ALAM NIYO BA?
Ang tema ng ipinagdiriwang natin ngayong araw, ika-7 ng Abril, na World Health Day ay "Healthy Beginnings, Hopeful Futures". Layon nito na bigyan diin ang importansya ng kalusugan ng mga buntis at mga sanggol.

Ayon sa datos ng World Health Organization, mahigit 2 milyong sanggol ang namamatay sa buong mundo, at 300,000 buntis ang namamatay taon-taon dahil sa panganganak.

Ang maternal and child death ay maaari namang maiwasan kung tututukang mabuti. Kung kaya't sa pagdiriwang ng World Health Day, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na bigyang pansin ang inyong pagbubuntis, gawin itong prayoridad. Bigyan ng magandang simula si baby sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga kay mommy, dahil ang maayos at malusog na simula ay magbibigay ng garantisadong kinabukasan.

1. Magpa-prenatal check-up nang hindi bababa sa walong beses at apat na beses na post partum visits
2. Sundin ang payo ng inyong midwife, nars, o doktor; inumin ang mga bitamina; at magpabakuna laban sa tetano
3. Gumawa at sundin ang birth plan; alamin ang mga senyales upang agad mabigyang pansin ang mga kakaibang nangyayari sa katawan; maging laging handa upang sa ospital, health center, o lying-in clinic lamang makapanganak.
4. Huwag kaligtaan ang newborn screening para kay baby, gayundin ang lahat ng bakunang dapat niyang kumpletuhin laban sa ilang mga sakit at kamatayan
5. Pasusuhin si baby, bigyan lamang ng gatas ni mommy sa unang 6 na buwan, at complimentary + breastfeeding hanggang 2 taon.

Sama-sama tayong tiyakin ang kalusugan ni mommy at ni baby para sa pagbuo ng matatag na pamilyang Bataeño.


25/04/2025

ALAM NIYO BA?
Kadalasan, matatagpuan ang mga lamok sa mga lugar na madidilim, may mga nakasampay o nakatambak na damit, at sa mga halamanan o sa mga masusukal at maduduming lugar. Dito na rin nagpapadami ang mga ito na nagbibigay ng malaking tyansang magkaroon ng sakit na dengue ang mga malalapit o nakatira sa ganito lugar.

Patuloy na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na ang "Search and Destroy" ay ang pinakamabisang gawain upang maiwasan ang pagdami ng lamok. Suyurin at sirain ang lahat ng pinamumugaran at pinangingitlugan nito. Panatilihing malinis ang loob at labas ng inyong mga tahanan. Linisin ang inyong mga bodega, bakuran, at bakanteng lote.

Sa mga panahon ng dengue outbreak tulad ngayon, suportahan ang isinasagawa ng pho na fogging, gayundin, inirerekomenda ang pagiispray ng mga ligtas na pamatay lamok.

Protektahan ang inyong mga sarili. Magsuot ng mahahaba at maliliwanag na damit. Magpahid ng insect repellent lotion, o gumamit ng kulambo.

Kapag naman nakaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, pantal, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng katawan, kalamnan, at mga mata, agad na komunsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. Siguraduhin din na laging hydrated, uminom ng sapat at malinis na tubig.

Sama-sama tayo sa laban kontra dengue. Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating komunidad para sa mas masayang summer ng pamilayang Bataeño.


25/04/2025

PAALALA: Sa kabila ng pagpasok ng dry season o summer, muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na ugaliin pa rin ang pagsasagawa ng 'search and destroy' dahil walang pinipiling panahon ang sakit na dengue.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring mataas ang bilang ng kaso ng mga nagkakasakit ng dengue dito sa Central Luzon. Kahit pa tag-araw na, kung mayroon pa ring mga lugar malapit sa mga kabahayan na maaaring pamugaran ng lamok ay patuloy pa ring magkakaroon ng kaso ng dengue; kung kaya't hinihikayat ng PHO ang lahat na ugaliing suyurin at sirain ang mga pinamumugaran at pinangingitlugan ng mga ito.

Panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng inyong mga tahanan. Sama-sama tayo sa pagkamit ng masayang summer ng matatag na pamilyang Bataeño.


Address

Talimundoc
Orani
2112

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talimundoc BHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram