29/12/2025
Muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Kaakibat naman ng tradisyong pinoy ng pagsalubong sa bagong taon, ipinapayo ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil madalang maiwasan ngayon ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit ang bagong taon.
Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.
Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong sa bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.