Santa Elena BHS - Orion, Bataan

Santa Elena BHS - Orion, Bataan Welcome to Sta. Elena BHS page

06/05/2025

Nakababahala ang sunod sunod na banggan na kumitil sa buhay ng ating mga kababayan.

Nasa 31,258 ang aksidenteng naitala ng PNP-HPG noong 2024. Habang nasa mahigit 1.19M ang namamatay taun-taon sa aksidente sa kalsada ayon sa WHO.

Ang mga insidenteng ito ay MAIIWASAN sa pinagsamang maayos na sistema at imprastraktura ng road safety at ng kahandaan, disiplina at maayos na kondisyon ng motorista, pedestrian at maging ng mga sasakyan.

Sundin ang mga paalala sa larawan para masiguro ang kaligtasan sa daan.

Road safety is A SHARED RESPONSIBILITY.

Ingat po tayo sa biyahe! 🚙




06/05/2025

❗️Maging matalino sa pagpili ng pagkakagastusan. PAGKAIN o YOSING NAKAKA-KANSER? ❗️

Imbis na bumili ka ng nakaka-kanser na yosi, ibili mo na lang ng bigas o masustansyang pagkain ang pera mo.

‘Wag sunugin ang pera sa bisyo. Lalo na kung maraming umaasa sayo.

Tumawag sa DOH Quitline 1558.




06/05/2025

‼️Sa bawat HITHIT, KANSER ay nakakabit‼️

More chances of WINNING CANCER sa isang hithit mo lang ng YOSI:

☠️ Kanser sa Bunganga
🪦 Kanser sa Lalamunan
💀 Kanser sa Esophagus
☠️ Kanser sa Suso
🪦 Kanser sa Atay
💀 Kanser Bituka at Puwit
☠️ Kanser sa Dugo (leukemia), at iba pa

Tumigil ka na habang maaga pa!

Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang bisyo.

03/04/2025

Sino pa po ang gusto ng libreng xray, pumunta lang po sa Puting buhangin covered court ngayong araw

Address

Sta Elena
Orion

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Elena BHS - Orion, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram