Hemorrhoids Miracle Ointment Cream Ph

Hemorrhoids Miracle Ointment Cream Ph Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Hemorrhoids Miracle Ointment Cream Ph, Medical and health, Pagbilao.

Miracle Ointment helps to instantly relieve pain, itching & burning, as well as protects and soothes irritations, reduces swelling, and stops bleeding.

15grams
3pcs cap injectable

24/06/2022

đź§§Sale! đź§§Sale! đź§§Sale!
Try this MAGIC HEMORRHOIDS OINTMENT CREAM that can help you to cure Hemmorrhoids /Almoranas

đź’šFor only 479 PESOS
đź’šBUY 1 TAKE 2
đź’šFREE SHIPPING
đź’šCASH ON DELIVERY

➡️Hemorrhoids is a common disease. This often happens due to stressful life, unhealthy diet & lack of exercise.The result is constipation and then piles. Even women have this problem after delivery.

âś…But don't worry MAGIC HEMORRHOIDS Ointment CREAM be your natural solutions for piles treatment.

23/06/2022

HEMORRHOIDS or ALMORANAS

Namamaga ang Ugat sa Re**um, SOBRANG KIROT… Nagdudulot ng PAGDURUGO at PAGKAIRITA… May pakiramdam na parang may Napupunit tuwing magdumi… at hirap sa pag-upo dahil sa almoranas at hindi komportable…

Itong MIRACLE CREAM ang mabisang Lunas… Huwag ng Magtiis…

🔥For only 479 pesos
🔥BUY 1 TAKE 2
🔥With FREE 9 applicator
🔥FREE SHIPPING
🔥CASH ON DELIVERY

Ito ay Herbal Kaya SAFE and supper EFFECTIVE…

HEMORRHOIDS or ALMORANASNamamaga ang Ugat sa Re**um, SOBRANG KIROT… Nagdudulot ng PAGDURUGO at PAGKAIRITA dahil makati… ...
17/06/2022

HEMORRHOIDS or ALMORANAS

Namamaga ang Ugat sa Re**um, SOBRANG KIROT… Nagdudulot ng PAGDURUGO at PAGKAIRITA dahil makati… May pakiramdam na parang may Napupunit tuwing magdumi… at hirap sa pag-upo dahil sa almoranas at hindi komportable…

Itong MIRACLE CREAM ang mabisang Lunas… Huwag ng Magtiis…

For only 479 PESOS
đź’šBUY 1 TAKE 2
đź’šWith Free 9 applicator
đź’šFREE SHIPPING
đź’šCASH ON DELIVERY

Ito ay Herbal Kaya SAFE and supper EFFECTIVE…

17/06/2022

Masakit ang Puwit: Solusyon sa Almoranas
Payo ni Doc Willie Ong

Marami ang may almoranas (hemorrhoids). Pagdating ng edad 50, mga 50% ng tao ay may almoranas na.
Ano ang almoranas? Ito’y mga ugat at laman na luma¬la¬bas sa puwit. May mga ugat sa loob ng puwit, at sa ka¬tagalang pag-iire, puwede itong lumalabas, maipit at dumugo.
Ang sintomas ng almoranas ay ang masakit na pakiramdam habang dumudumi. Parang may humihiwa o napupunit sa puwit. Minsan, may dugo sa dumi o sa puwitan. May pagkakataon na makakapa rin ang almoranas sa puwitan.
Ang sanhi ng almoranas ay ang pagtitibi o pagiging constipated. Kailangan natin mapalambot at mapadali ang pagdumi.

Pagkaing Mataas Sa Fiber (High-fiber foods):
Ang pinaka-solusyon dito ay damihan ang pagkain ng pagkaing mataas sa fiber. Kailangan natin kumain ng 5 tasa ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay, patola, okra, kangkong, prutas, brown rice, wheat bread, mani at iba pa.
Kapag maraming fiber tayong kinain, mas magiging malaman (may bulk) ang iyong dumi at madali itong mailabas. Minsan, isang irihan lang at lalabas na ang dumi. Dahil dito, mas hindi masusugat ang iyong almoranas o puwit.
Uminom din ng 8-12 basong tubig. Kailangan mo ng maraming tubig para hindi tumigas ang iyong dumi.
Huwag umasa sa gamot na pampadumi dahil lalo ka lang magtitibi pagkatapos ng epekto nito.
Isa pang tip: Huwag pigilin o ipitin ang paglabas ng dumi. Kapag pinipigil natin ang paglabas (tinitigas ang masel ng puwit) lalong kikipot ang lalabasan ng dumi at masusugatan lalo ang almoranas.
I-kalma ang sarili ang subukang ilabas ang dumi ng isang pag-iri lang.
Magpatingin sa doktor (surgeon) para masiguro na almoranas ang problema.

17/06/2022

Almoranas At Sugat Sa Puwit (Part 2)
Payo ni Doc Willie Ong

Noong nakaraan, nagbigay tayo ng mga payo para sa almoranas (tulad ng huwag umire at palambutin ang dumi). Heto pa ang mga dagdag payo:
1. Magbawas ng timbang. Kapag mataba ka, tumataas din ang pressure sa iyong baywang at binti. Dahil dito, puwede kang magkaroon ng almoranas at varicose veins.
2. Magbawas sa maaalat na pagkain. Ang sobrang alat o asin sa pagkain ay puwedeng magpamaga ng katawan. Pati ang almoranas ay mamamaga din.
3. Umiwas sa maaanghang o spicy na pagkain. Mahapdi at makati ito kapag dumaan sa ating puwit. Mag-ingat din sa sobrang kape, beer at soft drinks.
4. Kung buntis, humiga sa kaliwa. Ayon kay Dr. Lewis Townsend, isang obstetrician, puwedeng maipit ng lumalaking matris ang ugat ng almoranas. Humiga sa iyong kaliwa ng 20 minutos bawat 5 oras. Makatutulong ito para hindi maipit ang almoranas.
5. Magbabad sa bathtub o malaking palanggana. Punuin ng mga isang dangkal na maligamgam na tubig ang bathtub. Umupo sa bathtub na nakataas ang iyong tuhod. Ayon kay Dr. Byron Gathright, isang colorectal surgeon, ang mainit na tubig ay nag-aalis ng sakit at nagpapaluwag ng daloy ng dugo sa almoranas. Dahil dito, liliit ang almoranas.
6. Puwede subukan ang ice pack. Kung mahapdi at makati ang almoranas, puwedeng lagyan ng ice pack. Kumuha ng isang plastic bag at lagyan ng yelo. Balutin ito ng tela para hindi masyadong malamig. Itapal ito ng hindi hihigit sa 20 minutos. Huwag din lalampas sa 3 beses sa maghapon itong gawin. Maaaring mabawasan ang kirot at laki ng almoranas.
7. Magpahid ng cream. May mga gamot para sa almoranas tulad ng Proctosedyl o Ultraproct ointment. Hindi mawawala ang almoranas pero mababawasan ang sakit nito.
8. Dahan-dahang itulak paloob ang almoranas. Ayon kay Dr. Townsend, kung hindi naman ganoon kalaki ang almoranas, subukang ipasok ito ulit sa puwit. Ito’y para hindi maipit ang iyong almoranas.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
1. Kung biglang sumakit ang almoranas.
2. Kung may bagong bukol na makapa sa puwitan. Baka pigsa ito o kulugo.
3. Kapag hindi naghilom ang iyong sugat sa puwit.
4. Kung may pagdurugo sa dumi, huwag isiping dahil lamang sa almoranas. Magpakonsulta muna sa isang surgeon na doktor. May mga simpleng operasyon na para sa almoranas. Good luck po!

17/06/2022

Almoranas At Sugat Sa Puwit (Part 1)
Payo ni Doc Willie Ong

Napakarami ang may almoranas (hemorrhoids o piles sa Ingles). Pagdating ng edad 50, mga 50% ng tao ay may almoranas na.
Ano ang almoranas? Ito’y mga ugat at laman na lumalabas sa puwit. May mga ugat sa loob ng puwit, at sa katagalang pag-iire, puwede itong lumalabas, maipit at dumugo. Ang sintomas ng almoranas ay ang pagsakit at pagdurugo (pulang dugo) kapag dumudumi. Makakapa din ang almoranas sa puwitan.

Mga sanhi (o risk factors) sa almoranas:
1. Namamana ang almoranas sa ating magulang.
2. Ang pagtitibi at pag-iire ang pangunahing sanhi nito. Kumain ng maraming gulay at prutas para lumambot ang dumi.
3. Ang pagire sa panganganak ay nagpapa-almoranas din.
4. Ang pagkain ng mga maaanghang at spicy foods ay nakaiirita sa almoranas.

Solusyon sa almoranas at sugat sa puwit:
1. Palambutin ang dumi. Kumain ng mga prutas tulad ng papaya, pakwan at ubas na nagpapalambot ng dumi. Damihan ang pagkain ng gulay (mataas ang fiber ng mga ito) at bawasan ang karne. Uminom din ng 8-12 basong tubig. Huwag umasa sa gamot na pampadumi tulad ng bisacodyl tablets dahil lalo ka lang magtitibi pagkatapos ng epekto nito.
2. Huwag umire sa banyo. Ang pag-iire ang talagang nagpapalala ng almoranas. Huwag piliting makadumi kung ayaw pang lumabas ang dumi. Subukan muna na maglakad-lakad at mag-ehersisyo para bumilis ang galaw ng bituka.
3. Huwag magbasa ng diyaryo, magasin at komiks sa kubeta. Umupo lamang kapag malapit nang lumabas ang dumi.
4. Gumamit ng petroleum jelly. Kung matigas ang iyong dumi, puwede mong pahiran ng petroleum jelly ang loob ng puwit. Ayon kay Dr. Edmund Leff, isang colorectal surgeon, nagpapadulas ito sa paglabas ng dumi.
5. Gumamit ng basang tissue paper o tabo ng tubig pagkatapos dumumi. Huwag gumamit ng tuyong tissue dahil baka magasgas lang ang almoranas.
6. Maging malinis sa katawan. Hugasan maigi ang puwit para hindi maimpeksyon.
7. Huwag kamutin ang almoranas kahit ito’y makati. Baka masugat mo lang ito.
8. Huwag magbuhat ng mabibigat na bagay. Ang stress ng pagbubuhat ay katumbas na ng pag-iire sa banyo. Magpatulong sa iba.
9. Huwag umupo o tumayo ng matagal. Nagdudulot din ito ng almoranas. Kailangan ay papalit-palit ang puwesto natin para hindi ma-pressure ang almoranas.
Sa susunod na linggo, may mga dagdag payo pa tungkol sa almoranas. Abangan!

Address

Pagbilao
4302

Telephone

+639464772472

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hemorrhoids Miracle Ointment Cream Ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Hemorrhoids Miracle Ointment Cream Ph:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram