03/03/2026
Headline
Mga ka-PhilHealth! Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo o pumila nang matagal para mag-register sa YAKAP (dating Konsulta program). Gamit ang inyong smartphone, maaari na ninyong i-access ang inyong medical benefits sa ilang pindot lamang.
Paano mag-umpisa?
Para sa inyong convenience, i-scan lamang ang aming QR Codes (na makikita sa poster) upang direktang mapunta sa:
π² eGovPH App: Para sa mabilis na registration at identity verification gamit ang inyong mobile phone. (Android at IOS)
π» PhilHealth Member Portal: Para sa mga nais gumamit ng web browser gamit ang kanilang PIN at password.
Bakit mahalagang mag-register?
Libreng Konsulta: Makakakuha ng regular na check-up sa inyong napiling klinika.
Libreng Gamot: Access sa mga maintenance at kailangang gamot na sagot ng PhilHealth.
Easy Activation: Pagkatapos mag-register online, bisitahin lang ang inyong napiling klinika para sa inyong First Patient Encounter (FPE) at pirmahan ang YAKAP Empanelment Slip (YES) upang ganap na ma-activate ang inyong benefits.
Huwag kalimutang i-verify ang inyong account sa eGovPH gamit ang facial scan at isang valid ID para sa mas seamless na transaction!
Kung may katangungan, Maari kayong mag mensahe o sumadya sa aming tanggapan.