17/12/2025
📢 PABATID SA PUBLIKO
Ipinababatid po sa lahat na ang mga serbisyong pangkalusugan ng Moonwalk Health Center sa Disyembre 19, 2025 (Biyernes) ay magiging available lamang hanggang ika-11:00 ng umaga, upang bigyang-daan ang Year-End Activity ng Parañaque City Health Office.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maaaring idulot nito at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa.
Mangyari po na sumunod nang naaayon.
Maraming salamat po.