08/11/2025
📸☢️ Happy World Radiology Day! ☢️📸
Ngayong World Radiology Day, November 8, ipinagmamalaki ng Ospital ng Parañaque – Radiology Department ang matagumpay na pagdiriwang ng Radiologic Technology Week 2025! 🎉
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng radiologists, radiologic technologists, interns, at staff na naging bahagi ng makabuluhang linggong ito — mula sa mga lecture at games noong November 3, hanggang sa mga free ultrasound procedures noong November 4–5. 🙌
Hindi rin nagpahuli ang art display at audio-video presentation na nagbigay-inspirasyon sa ating lahat at ipinakita ang malikhaing galing ng ating mga RadTech staff and interns. 🎨🎬
Sa likod ng bawat radiograph, bawat scan, at bawat gamutan — nariyan ang ating mga humble heroes na patuloy na nagbibigay-linaw at pag-asa sa ating mga pasyente. 💛
Nais magpasalamat ng Radiology Department kay Councilor Paolo Olivarez, sa Chief Nursing office, sa ating mga kaibigan sa Yakult Philippines at sa Atheli's Closet para sa give-aways, refreshments at snacks!
Lubos kaming nagpapasalamat sa dedikasyon, malasakit, at serbisyo ng ating mga Radiologists at Radiologic Technologists!
Happy World Radiology Day sa ating lahat! 💫☢️