24/12/2025
December 20, 2025 | Palanyag Fire and Rescue YEAR END PARTY 2025 🎉
Isang tunay na napakagandang gabi ang aming pinagsaluhan upang ipagdiwang at balikan ang mga pinagdaanan at tagumpay ng taong ito. Bagama’t hindi naging madali ang aming paglalakbay at marami kaming hinarap na pagsubok, nanatili kaming buo, matatag, at nagkakaisa.
Marami kaming nakamit ngayong taon—mga parangal at pagkilalang patunay ng aming sipag at dedikasyon. Isa na rito ang aming pagkakamit ng 1st Runner Up sa Fire Olympic 2025. Higit pa rito, mas nakita at nakilala ng marami ang lawak ng aming serbisyo—na kami ay hindi lamang tumutugon sa sunog at baha, kundi aktibo ring nakikilahok sa iba’t ibang gawaing pang-komunidad.
Kami rin ay pinarangalan bilang 1st Runner Up sa Brgy. Employee Christmas Party – Christmas Chorale Competition, na naging daan upang maisakatuparan ang aming Year-End Party ngayong taon.
Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang mga taong buong pusong tumulong, nagbigay, at nag-abot ng suporta sa kani-kanilang paraan upang makalikom kami ng pondo at mga pa-raffle para sa ating magigiting na bumbero at rescuers.
Una sa lahat, taos-puso naming pinasasalamatan ang aming Kapitana, ang nag-iisang walang kapantay sa kasipagan at malasakit, Kapitana Eva L. Olivarez , sa walang sawang suporta sa amin sa buong taon—mula sa aming mga gawain hanggang sa pagdiriwang ng aming Year-End Party.
Lubos din naming pinasasalamatan ang aming mga masisipag at mapagkalingang Kagawad sa kanilang patuloy na pagbibigay ng suporta:
Kagawad Marvin Santos
Kagawad Emon Arceo
Kagawad Joy Guevarra
Kagawad Boy Diaz
Kagawad Romy Abad
Kagawad Hannah Florencondia
Gayundin, maraming salamat kay SK Federation President / SK Chairwoman Denize Santos Park at sa buong SK San Dionisio Council.
Taos-pusong pasasalamat din sa aming mga naging katuwang sa solicitation:
City Mayor Kuya Edwin L. Olivarez
Vice Mayor Benjo Bernabe
Cong. Eric L. Olivarez (District 1)
Cong. Brian Yamsuan (District 2)
City Councilors (District 1):
Hon. Paolo Olivarez
Hon. Shannin Olivarez
Hon. Toki Baes
Hon. Bok Inciong
Hon. Rina Gabriel
Hon. Yeoj Marquez
Hon. Allen Tan
City Councilors (District 2):
Hon. Rico Golez
Hon. Wahoo Sotto
Gayundin, maraming salamat kay Liga ng mga Barangay President Kapitan Noel Japlos ng Brgy. San Isidro.
At higit sa lahat, taos-puso naming pinasasalamatan ang mga establisyementong nagbigay ng kanilang simpleng handog para sa aming mga pa-raffle.
Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat. Maraming salamat sa patuloy na tiwala, suporta, at pagkakaisa. 🔥🚒