05/12/2025
ni Claud Kiel 🧸
Sa murang edad na sampung (10) taong gulang, dumaan na si Claud Kiel sa tatlong major surgery para maitama ang kanyang kondisyon na Imperforate A**s. Kahit na may sariling karamdaman ang kanyang ama, mas inuna pa rin ng mag-asawa na pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng kanilang anak habang bata pa ito.
Noong Hulyo 14, 2025, sinara na ang colostomy ni Claud Kiel sa Our Lady of Peace Hospital. Ang operasyong ito ay libre sa ilalim ng SAVE1 Program ng World Surgical Philippines (WSFP) at pagtutulungan ng One Sky Foundation, Inc. at DSWD Region IV-A.
Sana ay tuloy-tuloy ang iyong paggaling, Claud Kiel! 🩵