16/10/2025
Ano ang flu?
Mayroong tatlong klase ng flu virus: type A, type B, at type C. Ang type C ay hindi gaanong kumakalat sa mga tao.
Maaari kang mahawaan ng flu kapag nakalanghap ng virus na nasa loob ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit, o kaya’y kapag nahawakan mo ang iyong bibig o ilong gamit ang kamay na nakontamina ng virus.
Kapag nahawaan ang isang bata ng flu, hindi siya dapat pumasok sa paaralan hanggang makalipas ang 2 araw (3 araw para sa mga sanggol) mula sa pagkakaroon ng lagnat, o 5 araw makalipas ang pagkadama ng
sintomas.
Ano ang mga sintomas nito?
Ang flu ay sanhi ng impeksyon sa droplet sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing o sanhi ng impeksyon sa pamamagitan ng direktang kontak.
Ang mga pangunahing sintomas nito ay lagnat, pagkaginaw, pananakit ng ulo, ubo, pananakit ng lalamunan, sipon, at pananakit ng katawan at ng kasukasuan. Ngunit, maaari ding makaranas ng pneumonia at encephalitis ang mga bata, nakatatanda, at mga taong may mahinang immune system.
Kailan ito kadalasang nangyayari?
Dumarami ang mga kaso ng flu tuwing panahon ng taglagas (fall) hanggang taglamig (winter), kung kalian tuyo ang hangin. Pinakarami ang mga kaso tuwing Enero.
Paano ito maiiwasan?
Para maiwasan ang flu, hugasang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon at tubig.
Gumamit ng malinis na
tuwalya o paper towel para punasan ang kamay. Huwag ipapagamit sa iba ang iyong tuwalya.
Maliban dito, takpan ang iyong bibig at ilong ng tisyu kapag umuubo o bumabahing para iwasang mahawaan ang mga tao sa iyong paligid. Itapon agad ang gamit na tisyu sa basurahan dahil ito ay nakontamina na ng virus at iba pang pathogen. Pagkatapos, hugasang mabuti ang mga kamay.
Ano ang dapat Gawin kung ikaw ay nagkatrangkaso?
Marami rin namang gamot sa trangkaso at home remedies para sa symptoms ng flu. Uminom ng maraming tubig at iba pang healthy liquids tulad ng clear soup at tea, mag-gargle ng tubig na may asin, at para sa baradong ilong, subukan ang steam inhalation (mag-ingat na huwag mapaso) kahit sa shower lang na mainit ang tubig at nakasara ang pinto at bintana.
Para naman sa sakit ng ulo at fever, may OTC pain reliever tulad ng Paracetamol + Propyphenazone + Caffeine (Saridon Triple Action) na nagbibigay ng better pain relief. It starts to release in five minutes (based on in vitro study, individual response may vary). Maaari din siyang gamitin laban sa fever, headache, body pain, dysmenorrhea at toothache.
Lagnat (Fever)
Maraming pwedeng sanhi ang fever, kasama na ang flu. Ayon sa Harvard Health2, pag umakyat ng 38°C o mahigit ang temperatura mo, obserbahan na rin kung may iba pang symptoms, lalo na kung severe symptoms ang mga ito, tulad ng shortness of breath, rash na mabilis ang pagkalat, at kung nahihirapan nang uminom ng tubig. Seek medical assistance. Mahalaga rin ang monitoring ng temperature kahit walang ibang symptoms. Pag lumampas ng 40°C, consult your doctor.
Mga posibleng sanhi ng fever bukod sa flu:
Iba pang viral infections tulad ng stomach flu (gastroenteritis) na may kasabay na diarrhea at/o pagsusuka.
Maaari naman bacterial ang infection tulad ng UTI (urinary tract infection), pneumonia (pulmonya), at meningitis (inflammation sa may brain at spinal cord).
Iba pang disease o medical condition tulad ng lupus.
Kung na-expose ka sa taong may TB o tuberculosis, at nagkaroon ka ng ubo at lagnat, tawagan na agad ang iyong doktor para ipa-test ito.
Reaction sa external factors tulad ng overexposure sa araw at init (heat stroke) at sa medication.
Kung pabalik-balik ang lagnat, kahit low-grade fever lang, mabuti na ring kumonsulta ng medical professional. Bagamat normal na magkaroon ng fluctuations ang body temperature depende sa activities, time of day, at pati uri ng thermometer na ginamit, hindi dapat tumatagal o pabalik-balik ang fever, lalo na kung may kasabay pang ibang sintomas.
Tandaan na makakatulong sa pag-iwas sa viral infections ang good hygiene. Mahalaga rin ang healthy habits tulad ng sapat na tulog gabi-gabi at proper diet. Iwasan rin ang stress para sa whole, healthy living