PCNHS - MDC BERT

PCNHS - MDC BERT The Batang Empowered and Resilience Team of PCNHS - MDC

Isang mapagpalang araw at maligayang kaarawan po sa aming iginagalang na SDRRM Coordinator at MAPEH Head!Mula sa Batang ...
30/03/2026

Isang mapagpalang araw at maligayang kaarawan po sa aming iginagalang na SDRRM Coordinator at MAPEH Head!

Mula sa Batang Empowered and Resilience Team (BERT), buong galang po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa inyong kaarawan. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong mahalagang papel sa aming paaralan, bilang tagapanguna sa larangan ng kaligtasan at kahandaan, at bilang pinuno ng MAPEH na patuloy na humuhubog sa kakayahan at talento ng mga mag-aaral.

Sa ilalim po ng inyong pamumuno, kami ay natutong maging disiplinado, responsable, at handa sa anumang hamon. Bilang SDRRM Coordinator, kayo po ang nagsisilbing matibay na gabay sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa paaralan. Bilang MAPEH Head naman, patuloy ninyo kaming iniinspire na paunlarin ang aming sarili sa musika, sining, pisikal na edukasyon, at kalusugan, na mahalaga sa kabuuang paghubog ng isang mag-aaral.

Ang inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paggabay ay nagsisilbing inspirasyon sa amin upang magsikap at maglingkod nang may integridad. Kayo po ay tunay na huwaran ng isang lider at g**o na may puso para sa kabataan.

Sa inyong kaarawan, nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang maipagpatuloy ninyo ang inyong mahalagang tungkulin sa aming paaralan. Nawa’y mas marami pa kayong mag-aaral na maabot, mahubog, at mabigyang inspirasyon sa pamamagitan ng inyong serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at paggabay sa BERT at sa buong paaralan.

Muli, maligayang kaarawan po!

Lubos na gumagalang,
BERT Officers!











BATANG EMPOWERED & RESILIENT TEAM (BERT)Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Batang Empowered & Resilient Tea...
28/03/2026

BATANG EMPOWERED & RESILIENT TEAM (BERT)

Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Batang Empowered & Resilient Team ng Pasay City North High School - MDC upang talakayin ang mahahalagang kaalaman at paghahanda sa larangan ng first aid at kaligtasan. Sa pamamagitan ng presentasyon at aktibong partisipasyon ng bawat miyembro, mas lalo naming napalawak ang aming kaalaman sa mga tamang gawin at iwasan sa oras ng emerhensiya.

Hindi lamang ito simpleng meeting, ito ay isang hakbang tungo sa pagiging handa, responsable, at maaasahang kabataan na handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Patunay ito na ang bawat miyembro ng BERT ay patuloy na nagsusumikap na matuto at maging instrumento ng kaligtasan sa loob at labas ng paaralan.

Sa mga officers at myembro, maraming salamat sa inyong oras, pakikiisa, at dedikasyon. Sama-sama nating ipagpatuloy ang layunin ng BERT na maglingkod, magbigay kaalaman.

Ang Batang Emergency Resilient Team (BERT) ay isang organisasyon sa loob ng paaralan na naglalayong magbigay ng serbisyo...
27/03/2026

Ang Batang Emergency Resilient Team (BERT) ay isang organisasyon sa loob ng paaralan na naglalayong magbigay ng serbisyo, kaalaman, at kahandaan sa bawat mag-aaral lalo na sa oras ng sakuna at pangangailangan. Sa pamamagitan ng disiplina, pagtutulungan, at malasakit, patuloy naming pinapalakas ang kultura ng pagiging handa at responsableng pagkilos sa ating paaralan.

Hindi lang ito simpleng medalya at sertipiko, ito ay simbolo ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng buong BERT sa ating paaralan. Sa bawat aktibidad, training, at serbisyong aming isinagawa, pinatunayan namin na ang kabataan ay kayang maging handa at maging bahagi ng solusyon.

Lubos ang aming pasasalamat sa aming paaralan at sa mga g**o na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa aming kakayahan. Gayundin sa bawat miyembro ng BERT na hindi nagsawang maglingkod at makiisa para sa ikabubuti ng lahat.

At para sa aming mga officers, maraming salamat sa inyong pamumuno, sakripisyo, at dedikasyon. Hindi naging madali ang pagdala ng responsibilidad, ngunit pinatunayan ninyo na kayo ay tunay na lider na may puso sa paglilingkod. Nawa’y patuloy ninyong maging inspirasyon ang bawat miyembro at ipagpatuloy ang magandang nasimulan para sa organisasyon.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa buong paaralan na aming pinaglilingkuran. Isa itong paalala na sa pagkakaisa at malasakit, kaya nating maabot ang mas mataas na tagumpay.
Para sa BERT, para sa paaralan, tuloy ang serbisyo!🫡

BERT Strategic Planning | S.Y. 2026–2027Matagumpay na naisagawa ang ating meeting para sa pagpaplano ng mga aktibidad ng...
27/03/2026

BERT Strategic Planning | S.Y. 2026–2027

Matagumpay na naisagawa ang ating meeting para sa pagpaplano ng mga aktibidad ng Batang Empowered & Resilient Team (BERT) para sa darating na School Year 2026–2027.

Nagkaroon ng masinsinang talakayan at pagbabahagi ng mga ideya ang bawat officer upang masig**ong magiging makabuluhan, organisado, at kapaki-pakinabang ang mga programang ihahanda natin para sa buong paaralan.

Ang bawat plano ay bunga ng pagtutulungan, dedikasyon, at hangaring makapaglingkod sa kapwa. Asahan ninyo ang mas maraming aktibidad na magpapalakas ng kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng bawat isa.

Maraming salamat sa lahat ng officers na nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at ideya. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang layuning maging handa at matatag sa anumang hamon.

Sa ating masipag, maaasahan, at inspiradong President ng BERT,Isang taos-pusong pagbati sa iyo sa iyong pagtatapos sa Ju...
25/03/2026

Sa ating masipag, maaasahan, at inspiradong President ng BERT,

Isang taos-pusong pagbati sa iyo sa iyong pagtatapos sa Junior High School at sa pagtanggap mo ng Leadership Award. Hindi ito basta simpleng tagumpay, ito ay bunga ng iyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at tunay na pagmamahal sa paglilingkod sa kapwa.

Bilang President ng BERT, napatunayan mo na ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi sa puso at malasakit na inilalagay mo sa bawat gawain. Sa bawat utos na may malasakit, sa bawat desisyong may paninindigan, at sa bawat sakripisyong ginawa mo para sa kapakanan ng buong organisasyon, ipinakita mo kung ano ang tunay na kahulugan ng pamumuno.

Hindi naging madali ang iyong pinagdaanan, may mga pagsubok, pagod, at pagkakataong kailangan mong maging matatag kahit mahirap. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili mong magpatuloy at magbigay ng inspirasyon sa bawat miyembro ng BERT. Dahil sa iyo, mas naging matibay, mas naging organisado, at mas naging makabuluhan ang ating samahan.

Ang parangal na iyong natanggap ay hindi lamang simbolo ng iyong galing, kundi patunay ng iyong kakayahang magbigay liwanag at pag-asa sa iba. Isa kang huwaran na lider na hindi lang nag-uutos, kundi nangunguna sa gawa.

Habang tinatahak mo ang panibagong yugto ng iyong buhay, dala mo ang lahat ng aral, karanasan, at alaala na huhubog sa mas maliwanag mong kinabukasan. Nawa’y ipagpatuloy mo ang pagiging inspirasyon sa marami at gamitin ang iyong kakayahan upang makagawa pa ng mas malaking pagbabago.

Muli, congratulations sa iyong napakalaking tagumpay! Ipinagmamalaki ka namin, hindi lang bilang President ng BERT, kundi bilang isang tunay na lider at ehemplo sa lahat.

Padayon, Leader. Ang iyong kwento ay patuloy na magiging inspirasyon sa amin.











Magandang araw sa inyong lahat!Isang taos-pusong pagbati sa bagong set of officers para sa School Year 2026–2027! Ang pa...
23/03/2026

Magandang araw sa inyong lahat!

Isang taos-pusong pagbati sa bagong set of officers para sa School Year 2026–2027! Ang pagiging isang lider ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi tungkol sa responsibilidad, dedikasyon, at malasakit sa bawat miyembro ng organisasyon.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba at maging gabay sa pagpapanatili ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng lahat. Tandaan ninyo na ang tunay na lider ay marunong makinig, makipagtulungan, at magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.

Asahan ninyo ang suporta ng bawat isa habang sama-sama nating haharapin ang mga hamon at gagawa ng mga makabuluhang gawain ngayong taon. Magtulungan tayo upang mas lalo pang mapaganda ang ating samahan.

Muli, congratulations sa inyong lahat!
Padayon sa paglilingkod at pamumuno!











Magandang araw, mga ka BERT! Habang papasok tayo sa School Year 2026–2027, nais naming ipaalala ang kahalagahan ng ating...
22/03/2026

Magandang araw, mga ka BERT!

Habang papasok tayo sa School Year 2026–2027, nais naming ipaalala ang kahalagahan ng ating BERT Rules. May 25 tayong roles na kailangan sundin. Ang mga ito ay gabay para sa maayos, ligtas, at epektibong pagtutulungan sa ating grupo.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntuning ito, mas magiging handa tayo sa pagbibigay ng tulong, sa pagiging responsable, at sa pagtutulungan bilang isang team. Tandaan, bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa tagumpay ng BERT.

Sama-sama tayong maging disiplinado, responsable, at laging handang tumulong!

BERT’S NEW SIGN IS HERE!SY 2026-2027, HANDS READY, HEART READY!Ang “palm forward with thumb tucked” ng Pasay City North ...
20/03/2026

BERT’S NEW SIGN IS HERE!
SY 2026-2027, HANDS READY, HEART READY!

Ang “palm forward with thumb tucked” ng Pasay City North High School B.E.R.T. = HANDANG TUMULONG + FIRST AID HERO MODE ON!

Ang malaking “B” puno ng medkits, bandages, cotton, at iba pang gamit pang-unang tulong, patunay ng tapang, malasakit, at dedikasyon nila sa bawat estudyante, ng paaralan!

Hindi lang ito senyas PROMESA ito! Kahit saan at kailan sa school, may BERT na handang magligtas at tumulong sa anumang emergency!.

Ready sa safety drills, training sa basic first aid, at full support sa lahat ng school emergencies!

LET’S LEVEL UP PASAY NORTH HIGH! Mas safe, mas astig, at mas ready sa kahit anong sitwasyon!

Magandang araw sa lahat!Isang malaking pasasalamat sa mga bagong officers ng BERT para sa School Year 2026–2027 na naka-...
20/03/2026

Magandang araw sa lahat!

Isang malaking pasasalamat sa mga bagong officers ng BERT para sa School Year 2026–2027 na naka-attend sa ating meeting via Google Meet. I truly appreciate your time, cooperation, at pagiging present ninyo sa ating unang pagtitipon bilang bagong set of leaders for the next school year.

Sa meeting na ito, napag-usapan natin ang mga mahahalagang bagay tulad ng inyong roles, responsibilities, at mga inaasahang gawain bilang officers. Ipinapakita nito na handa na kayong gampanan ang inyong mga tungkulin para sa darating na school year.

Para naman sa mga hindi naka-attend, inaasahan na makikipag-coordinate kayo upang ma-brief kayo sa mga napag-usapan.

Muli, congratulations sa inyong lahat! Asahan ninyo na magiging makabuluhan, maayos, at produktibo ang ating samahan sa susunod na school year.

Thank you and keep safe everyone!

⚠BABALA‼️Ipinababatid sa lahat na mag-ingat sa naturang account na humihingi ng hindi angkop at sensitibong larawan, par...
20/03/2026

⚠BABALA‼️

Ipinababatid sa lahat na mag-ingat sa naturang account na humihingi ng hindi angkop at sensitibong larawan, partikular na tumatarget sa mga babaeng kabataan mula sa Pasay City North High School.

Mahigpit na ipinapayo na huwag makipag-ugnayan o magbahagi ng anumang personal na impormasyon o larawan sa nasabing account. Iwasan ang pagtugon sa ganitong uri ng mensahe.

Maging mapanuri at responsable sa paggamit ng social media upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

P**i report po ang account.

18/03/2026
The Batang Empowered and Resilience Team (BERT) of Pasay City North High School - MDCFire Safety starts with awareness.S...
16/03/2026

The Batang Empowered and Resilience Team (BERT) of Pasay City North High School - MDC

Fire Safety starts with awareness.

Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at paghahanda, mas nagiging ligtas ang ating paaralan laban sa sunog. Laging tandaan ang mga fire safety tips upang maprotektahan ang sarili at ang iba.

Ang simpleng pag-alam kung ano ang dapat gawin sa oras ng emergency ay makakatulong upang maiwasan ang panic at masig**o ang kaligtasan ng lahat. Maging alerto, makinig sa mga instructions, at sundin ang tamang evacuation procedures.

Tandaan: Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sa tulong ng disiplina, kooperasyon, at tamang kaalaman, mas magiging handa tayo sa anumang sakuna.










Address

Cruz Street
Pasay City
1303

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCNHS - MDC BERT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram