Doc Liza Ramoso-Ong

Doc Liza Ramoso-Ong Official Page of Dr Liza Ong. Doc Liza shares her health tips, including cooking and family tips.

Masakit na Paglagatok ng Daliri (Trigger Finger)Payo ni Doc Willie OngTrigger finger ang tawag sa sakit na kapag ang dal...
22/11/2025

Masakit na Paglagatok ng Daliri (Trigger Finger)
Payo ni Doc Willie Ong

Trigger finger ang tawag sa sakit na kapag ang daliri ay sinubukan mong ituwid, ay lumalagatok at madalas na sumakit. Sa ilang mga kaso, ang daliri ay naiiwan at kinakailangan pa ang kabilang k**ay para ituwid ang iyong daliri.

Karaniwan, kapag ibinabaluktot ang daliri, mayroong isang mahabang tendon na humahatak sa daliri at tinutulungan itong maayos na dumulas sa pamamagitan ng isang balot (protective sheath) na nakapaligid dito.

Maaaring mamaga ang daliri dahil sa paulit-ulit na paggamit tulad ng pag-type, pag-text at paglaba. Sa pamamaga ng balot o protective sheaths, ang tendon ay hindi maaaring mag-slide nang maayos, kaya naman ay lalagatok ito. Sa paulit-ulit na pag-lagatok, ang tendon ay maaari ring mamaga na nagiging sanhi ng isang nodule (tulad ng isang peklat). Dahil dito, lalo pang sasakit at lalagatok ang daliri.

Sinu-sino ang mga apektado nito:
1. Kadalasan, ng mga taong nasa pagitan ng 40 hanggang 60 taong gulang.
2. Paulit-ulit na paggamit ng mga k**ay. Ang mga taong madalas ang paghawak ng mga bagay tulad ng para sa trabaho ay mas madaling kapitan ng trigger finger. Ang sobrang pagta-type, pag-text, o pag-e-ehersisyo ng mabibigat na dumbbells ay maaaring maging sanhi nito. Ang mga naglalaro ng mga instrumentong pang-musika ng mahabang oras ay nanganganib din.
3. Ang diabetes at arthritis ay maaaring makapagpalala ng trigger finger.

Ang diagnosis ng trigger finger ay simple. Susuriin ng iyong doktor ang iyong k**ay at titignan ang pag-lock. Nararamdaman ng doktor kung masakit ang nodule (tulad kung ito ay maga) sa base ng apektadong daliri, na palatandaan ng pag-trigger ng daliri.

Ang kondisyon ay kadalasan na mas malala sa umaga, at karaniwang apektado ang hinlalaki, gitnang daliri o daliring palasingsingan.
Ipahinga ang k**ay at huwag gaano i-lagutok. Puwede lagyan ng finger splint para hindi mabaluktot ito. Magpatingin sa isang Orthopedic surgeon para sa iba pang gamutan.

22/11/2025
Sipon at UboPayo ni Doc Willie OngAng common cold o sipon ay isang viral na impeksyon sa pang itaas na bahagi ng respira...
22/11/2025

Sipon at Ubo
Payo ni Doc Willie Ong

Ang common cold o sipon ay isang viral na impeksyon sa pang itaas na bahagi ng respiratory tract, sa ilong at lalamunan.
Kadalasan ito ay hindi naman nakasasama. Ang palatandaan nito ay sipon, masakit na lalamunan at ubo at kung minsan naman nagluluhang mata, pagbahing at baradong ilong.
Karamihan sa matatanda nararanasan ang sipon ng 2 hanggang 4 na beses kada taon, Sa kabataan naman lalo sa mga preschoolers nagkakaroon sila ng colds 6 hanggang 10 beses sa 1 taon.
Tips para guminhawa ang iyong pakiramdam:
1. Uminom ng maraming tubig at likido - Magandang uminom ng tubig, juice at tsaa. Dahil nakatutulong ito na palitan ang mga nawalang tubig sa katawan habang nabubuo ang sipon o may lagnat. Iwasan ang uminom ng kape dahil nagdudulot ito ng dehydration. Ang paninigarilyo naman ay nakapagpapalala ng sintomas.
2. Humigop ng sabaw ng manok (chicken soup) - Nakatutulong ang pag-higop ng sabaw sa mga taong may sakit. Ayon sa mga eksperto napagiginhawa nito ang iyong pakiramdam sa dalawang paraan: (1) Una, ito ay anti-inflammatory at nakababawas ng produksyon ng sipon at plema sa iyong respiratory tract; (2) Pangalawa, pansamantalng pinabibilis nito ang galaw ng sipon papunta sa ilong, para makatulong guminhawa sa baradong ilong at bawasan ang pagdami ng virus na dumidikit sa paligid ng ilong.
3. Magpahinga - Kung kinakailangan, manatili na muna sa bahay at huwag muna pumasok sa trabaho kung mayroong lagnat, matinding ubo, o pagkahilo. Ang pahinga ay mahalaga para mas mapadali ang pag-galing.
4. Gawin komportable ang kuwarto - Gawing maaliwalas o hindi mainit sa pakiramdam ang kuwarto, maaring bumili ng aircon kung kinakailangan. Linisin ng madalas ang aircon para maiwasan ang pagdami ng bacteria at amag.
5. Paginhawahin ang lalamunan - Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin sa umaga. Uminom ng maligamgam na lemon na may halong honey, dahil ito ay nakatutulong na mapaginhawa ang sakit ng lalamunan pati na rin ang ubo.
6. Gumamit ng pang-patak sa ilong (nasal spray) - Ang saline spray sa ilong ay epektibo, ligtas gamitin at hindi naka-i-irita. Puwede din gamitin sa bata, para guminhawa ang baradong ilong.
7. Uminom ng Vitamin C tablet – Posible na magkaroon ng epekto ang pag-inom ng vitamin C na mabawasan ang tagal ng sintomas ng iyong sipon.
Kadalasan ang sipon ay tumatagal lamang ng 1 hanggang 2 linggo. Kung ang sintomas ng sipon ay lumala, komunsulta sa iyong doktor.

Hirap Makatulog : Tips Para Makatulog Agad - By Doc Willie Ong ( Internist and Cardiologist)Panoorin ang Video:
21/11/2025

Hirap Makatulog : Tips Para Makatulog Agad -
By Doc Willie Ong ( Internist and Cardiologist)

Panoorin ang Video:

Hirap Makatulog : Tips Para Makatulog Agad - By Doc Willie Ong ( Internist and Cardiologist)

BAKIT MADALAS SUMASAKIT ANG LIKOD KO?Payo ni Doc Willie OngANG sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat...
21/11/2025

BAKIT MADALAS SUMASAKIT ANG LIKOD KO?
Payo ni Doc Willie Ong

ANG sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Kung ika’y sobra sa timbang, may problema sa likod (tulad ng Scoliosis), o hindi nag-eehersisyo, mas maaga mo itong mararamdaman.
Bakit sumasakit ang likod?
Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay ang muscle strain o sprain, o iyung sakit ng kalamnan. Para bang na-pilay ang likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa sa masel sa likod dahil sa (1.) maling posisyon sa pagtulog; (2.) maling pag-upo (naka-kuba); (3.) maling pagbubuhat (nakayuko kung magbuhat) o nagbuhat ng sobrang bigat; (4.) sobra sa timbang, at (5.) pagka-edad (arthritis).
Ano ang gagawin?
1. Kung ika’y sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Hindi kasi kaya ng likod mo ang bigat ng iyong tiyan!
2. Mag-ehersisyo kapag pawala na ang sakit sa likod. Napakahalaga ng ehersisyo.
3. Palakasin ang masel sa ating likod. Mag-ehersisyo ng katamtaman lang. Puwedeng gumamit ng mga kaunting pabigat (weights). Kapag lumakas ang masel ng ating katawan, hindi na sasakit ang ating likod.
4. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para maiangat ang dinadala. Panatilihing deretso ang likod. Huwag yumuko para magbuhat. Mali iyan!
5. Umupo ng deretso ang likod. Maglagay ng suporta (maliit na unan) sa ating upuan para laging naka-straight ang ating likod.
6. Huwag maglakad o umu¬po nang matagal. Mapapagod ang ating likod kapag nakapirmi sa isang puwesto. Ang pinak**a¬ganda sa likod ay ang paghiga sa k**a.
7. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Huwag ‘yung sobrang lam¬ bot na lumulundo ang iyong likod. At huwag din matulog sa papag dahil so¬brang tigas ito.
8. Matulog ng naka-“s” ang katawan. Humiga ng pa¬¬tihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Mag¬la¬gay pa ng isang unan sa ila¬ lim ng tuhod para nakataas ito. Mas komportable sa likod ang nakabaluktot ang tuhod.
9. Kung nakatagilid kang matulog, maglagay ng unan sa pagitan ng iyong hita. Ito ay para huwag bumaluktot masyado ang ating hita at mapuwersa ang likod.
10. Puwedeng lagyan ng medyo mainit na bagay sa ating likod (hot bag na binalot sa tuwalya). Gawin ito ng 15 minutes lamang at huwag sobrahan. Baka mapaso din ang likod.
11. Puwedeng kumonsulta sa physical therapist. Sila ay nagtuturo ng stretching exercises at iba pang exercise para sa back pain.
12. Para sa akin makatutulong din ang masahe ng myotherapist or massage therapist. Pero soft massage lang o yung dahan-dahan lang para lumuwag ang masel.
Kapag hindi nawala ang sakit sa loob ng 1 ling¬go, magpa-konsulta sa isang rehabilitation medicine doctor, or orthopedic surgeon o rheumatologist. Good luck po.

Address

Pasay City
1300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Liza Ramoso-Ong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram