26/11/2025
Ang katotohanan ay nanganganib na ang programang BS Forestry sa Pilipinas. Marami sa mga unibersidad na dating nag-aalok ng kursong ito ang tumigil na, at pangunahing dahilan nito ang kakulangan ng mga estudyanteng nais mag-enroll. Sa kasalukuyan, iilan na lamang ang nag-aalok ng BS Forestry. Sa tantiya ko, hindi na aabot sa 50 sa buong bansa.
Bakit nga ba umabot sa ganitong sitwasyon? Ito pa naman ang isa sa mga kursong pinakamahalaga para sa Pilipinas lalo na sa ngayon. Napakayaman natin sa likas na yaman, at dito dapat nakaugat ang ating lakas bilang isang bansa. Ganito rin ang sitwasyon ng BS Agriculture. Malawak ang ating lupain, kayaโt hindi dapat nagugutom ang mga Pilipino, at dapat mura ang bigas, gulay, at iba pang pagkain. Subalit hindi natin nagagamit nang tama ang ating yamang lupa at kagubatan na sana ay nagiging sandigan ng ating kaunlaran.
Isa sa mga nakikita kong dahilan ng pagbaba ng interes ay ang pananaw ng marami na mas โsosyalโ o prestihiyoso ang ibang kurso, kayaโt iniiwasan ang Forestry at Agriculture. Ayaw ng karamihan na maputikan o ma-expose sa trabaho sa labas. Pangalawa, laganap ang paniniwalang kaunti ang kita at mahirap makahanap ng magandang trabaho kapag nagtapos sa BS Forestry o BS Agriculture. Ngunit, iba na ang panahon ngayon. Maraming nag-aantay na oportunidad kapag graduate ka ng BS Forestry at Agriculture. Napakarami.
Panahon na para itaas natin ang pagkilala at prestige ng mga kursong ito. Kung nais nating mapangalagaan ang ating kagubatan, lupa, at likas na yaman at kung tunay nating hangad ang kinabukasan ng ating bansa kailangan nating buhayin at suportahan ang Forestry at Agriculture. Please help me popularize BS Forestry throughout the country!
Letโs save these two courses for the future of the Philippines.