Pasig City PDAO

Pasig City PDAO Ito ang Official page ng Persons with Disability Affairs Office ng Lungsod ng Pasig.

Ating suportahan ang Booth ng Pasig City Persons with Disability Affairs Office sa nagaganap na Philippine Disability Ex...
02/12/2025

Ating suportahan ang Booth ng Pasig City Persons with Disability Affairs Office sa nagaganap na Philippine Disability Expo 2025!

____♿️♿️♿️___

Tara na sa Philippine Disability Expo 2025, handog ng National Council on Disability Affairs (NCDA), Project Inclusion Network (PIN), at Philippine Business and Disability Network (PBDN)!
📅 Disyembre 2–4, 2025
📍 SM Megamall Trade Halls 1–2




02/12/2025
01/12/2025
01/12/2025

BEST PORTRAIT PROJECT FINALIST | JOJIE DAGANDAN DAVID

Mapagpalang araw po! Usapang DSWD-SLP beneficiary at usapang cancer survivor. Ako po si Jojie Dagandan David, ng Brgy. San Joaquin, Pasig City. Ito ang kwento ng buhay ko bilang isang cancer survivor at kung paano nakaka-survive. With the grace of our Almighty God, I am now a 15-year cancer survivor at isang beneficiary ng Sustainable Livelihood Program.

Usapang Cancer Survivor
Ito ang journey ko bilang isang cancer patient at dalawa ang naging cancer ko. Hindi naging madali ang lahat ng aking pinagdadaanan—physically, emotionally, spiritually, and financially. Lahat ay napakahirap.

December 24, 2010: Na-diagnose ako na may cancer
Jan. 6, 2011: Biopsy result: Breast Cancer Stage IIA
January 11, 2011: Total Mastectomy MRM Right Breast; biopsy results: Stage IIIA
Feb. 12, 2011: Start of 4-cycle Chemotherapy (every 20 days), ended April 16, 2011
33 Radiation Therapy sessions: Start May 30, 2011 to July 15, 2011
8 years Oral Chemotherapy

Ngunit noong nag-recurrence sa right breast ang bukol, nakita sa breast ultrasound. At ito ay na-su-surveillance every 2 months. Hanggang nawala ang bukol sa hindi malamang dahilan dahil tuloy-tuloy naman ang pag-inom ko ng mga gamot. Ang tawag ko doon ay “By the grace of God, I am healed.” Natunaw dahil sa madami akong prayer warriors—mga kapatiran sa church at sa family and friends. Hanggang ngayon patuloy ang panalangin para sa akin. At maraming salamat sa kanilang lahat.

September 10, 2012: For regular surveillance, may bukol na naman: “Ovarian new growth – right.” Inoperahan at tinanggal ang o***y at sa biopsy, benign naman. Pero habang inooperahan ako, may nakita ang mga doktor na cancer na nakapulupot sa fallopian tube ko, at sinabay na nilang tinanggal. Ang cancer na ito ay “Borderline Serous Cyst, Paratubal Cyst Bilateral Stage I.”

Close monitoring pa rin ako hanggang ngayon dahil sa side effects ng oral chemotherapy, at isa na dito ay numinipis ang buto ko. May Zoledronic Infusion maintenance ako for the bones. Nag-start Jan. 16, 2016 to June 16, 2025 – pang-20th infusion ko na. By January 2026, pang-21st infusion ko na.

March 4, 2024: Na-diagnose na naman ako na may bara ng ugat sa puso (“FC II Heart Failure”). Side effect pa rin ng chemotherapy dahil sa isang substance ng gamot. Naka-schedule akong operahan sa puso next year 2026. Until today, madami akong iniinom na gamot—napakagastos po—at 9 na klase ng gamot everyday for monthly maintenance.

I always quote the Word of God: Jeremiah 33:3 – “Call unto me, and I will answer thee and show thee great and mighty things which thou knowest not.” Proverbs 18:10 – “The name of the LORD is a strong tower; the righteous run to it and are safe.”

At madami pang promises ng Lord na pinanghahawakan ko. All by my FAITH! Prayers and petitions. Christ is the answer. I'm so grateful and thankful to the Lord at sa suporta ng pamilya ko dahil mula nang nagpapagamot ako hanggang ngayon, hindi ina-allow ni Lord na kami ay mangutang sa ibang tao o kamag-anak.
The Lord will provide all of our needs. As I quote again: Philippians 4:19 – “God will supply all our need according to His riches and glory.” God is the owner and creator of everything in this world. Why do I worry about anything? This is my journey. His Name will be praised. Glory to God!
Usapang SLP naman!

Napakalaking tulong po. Ako ay nabigyan ng malaking tulong sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD-NCR dito sa Pasig last February 2024. Binigyan ako ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagnenegosyo ng perfume. Noong 2022 pa kami nagbebenta ng aking mga anak. Ang kinikita namin ay kahit man lang pamasahe at allowance ko kapag ako ay pumupunta sa hospital para magpa-check-up at magpa-laboratory. Ganun lang po.

Noong February 2024 nga po ay nadagdagan ang aking puhunan through SLP. Ibinili ko itong lahat ng produktong perfume at may sariling pangalan na po ang perfume business namin na ito: “The Confidence Perfume” — with the declaration verse Philippians 4:19, believing God's provisions to the business.

Pinagpatuloy ko ang business at dinagdag ko ang puhunan na galing sa SLP at kaagad-agad ay kumita kami ng ₱5,000 to ₱10,000. Malaking tulong talaga at binebenta namin sa aming mga ka-churchmate, officemates, family, and friends.
Nagpapasalamat ako sa aking kasama na isa ding PWD na si Ms. Nery Tanjusay, siya ang nagyaya sa akin para umattend ng Sustainable LIVELITALKS Masterclass Seminar 2025.

Dahil sa SLP lalo akong na-inspire mag-aral at magbenta. Ang dami kong natutunan about pakikipagkapwa, strategies para lumago ang negosyo, at paano palalawakin ang network. Kasi kami-kami lang ng mga anak ko ang nagbebenta ng products namin. Sa pag-attend ko ng LIVELITALKS Masterclass Seminar, isa itong patunay na ang DSWD–SLP ay nais tumulong para ma-empower, ma-encourage ang mga SLP beneficiaries para magpatuloy sa pagnenegosyo.

Ika nga, kapag nadapa ka, matutong mag-realize, mag-isip, at tumayo. Hindi lahat ng nagsisimula sa negosyo ay agad nagtatagumpay. Marami kang pagdadaanan, ngunit sa mga pagsubok na iyon, doon ka matututo maging matatag at magtagumpay. Ang DSWD–SLP ay hindi lamang nagbibigay ng puhunan kundi nagtuturo rin kung paano palaguin ang negosyo. It also teaches every Filipino how to contribute to our nation’s economic growth, so all Filipinos can have a better life and a brighter future.

Maraming salamat po sa tulong ninyong lahat. God richly bless you all!

#
Iparamdam ang iyong suporta! Vote for your favorite SLP portraits now!
Voting is open until December 1, 5:00 p.m. only.

𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐍𝐨𝐭𝐢𝐜𝐞!
𝑻𝒉𝒆 𝒖𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒂𝒖𝒕𝒐 𝒍𝒊𝒌𝒆𝒔, 𝒃𝒐𝒕𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒑𝒂𝒊𝒅 𝒐𝒓 𝒂𝒖𝒕𝒐𝒎𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒆𝒕𝒉𝒐𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒂𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒃𝒐𝒐𝒔𝒕 𝒓𝒆𝒂𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒊𝒔 𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕𝒍𝒚 𝒑𝒓𝒐𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕𝒆𝒅. 𝑬𝒏𝒕𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅 𝒆𝒎𝒑𝒍𝒐𝒚𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒕𝒂𝒄𝒕𝒊𝒄𝒔 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒃𝒆 𝒅𝒊𝒔𝒒𝒖𝒂𝒍𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏.

Sulong Kabuhayan, tungo sa Pagyabong!






01/12/2025

BEST PORTRAIT PROJECT FINALIST | NERRY L. TANJUSAY

Magandang araw! Ako po si Nerry Tanjusay, isang person with disability. Isa akong beneficiary ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD NCR dito sa Pasig noong 2021. Ako ay lumaki na may passion sa pagtitinda na nagsimula nung ako’y nasa grade school. Sa mga classmates ko, remember di ba? Uso pa si dakoykoy na chichirya. Ito ay malaking tulong para sa mga school expenses upang makabawas sa budget ng aking mga magulang. Kahit pang-school supplies ko lang ay di na nila problemahin.

Sa grade school ako ay nagtitinda ng mga candies, nung high school ay mga sandwiches at kakanin, nung college nag-level up sa RTW. Kaya malaking tulong na makabawas sa weekly allowance sa school. Hindi ko talaga maisantabi ang pagnenegosyo dahil ang baryang kikitain ko ay malaking tulong na sa akin. To the extent na kahit may work na, nakasideline pa rin sa pagnenegosyo.

Hanggang natutunan ko ang pananahi noong ako’y nawalan ng trabaho at nagsubok gumawa ng mga kurtina and beddings stuff. Hindi man kumita ng malaki pero patuloy ang negosyo. At dito marami akong natutunan. Meron hindi ka mababayaran at umuwi na sa mga probinsya hanggang wala ka nang masingil. Pero ganun pa man, tuloy ang buhay. Patuloy pa rin ang sideline sa pananahi lalo na kapag may orders.

Hanggang napasok ako sa PWD organization namin sa barangay. At dito natuto kaming mag-aral ng arts and crafts. Nagkaroon ako ng dagdag na mga produkto na mga beads products. Hanggang ginawa namin itong livelihood sa aming samahan. Nagkaroon kami ng puhunan under sa aming samahan sa tulong ng barangay at LGU upang magkaroon ng dagdag puhunan ang samahan, at makapag-innovate ng iba’t ibang disenyo. Lahat ng manggagawa ng aming beads products ay sinusuwelduhan ng samahan on a piece-rate basis. Ngunit ang aming advocacy ay hindi dapat magtatapos sa pagtulong sa aming mga manggagawa.

And God is so good. Ang paggawa ng mga beads products ang naging tulay na makapasok ang aming mga beaders sa Sustainable Livelihood ng DSWD-NCR. Ito ang sagot sa aming hangad na in the future lahat po ng manggagawa ng aming livelihood ay magiging entrepreneur at maging supplier ng mga produkto ng aming samahan.

Ito ay sinimulan ko sa paggawa ng mga beads accessories na sinusupply ko sa aming samahan. Sa tulong ng SLP sa naging dagdag puhunan, naging supplier ako ng mga beads accessories like keychains, bracelets, rosaries, beaded flowers, etc. Hanggang ang mga kasamahan ko ay naging beneficiary na din ng SLP at unti-unting gumagawa na din ng sarili nilang produkto para sa samahan. Ang organization ang nagma-market ng aming mga beads products. Sila po ay naging beneficiaries na din ng SLP at may kanya-kanyang produkto na sila ang gumagawa para ma-market ng aming samahan.

Sobrang laki ng tulong na ibinigay ng SLP sa amin. Natutulungan din nila kami na e-market ang mga produkto namin. Maraming salamat po sa SLP, sa DSWD NCR at kay Ma'am Maricel Peralta Franzia Red ng MSSWD Pasig. Maraming salamat po sa tulong ninyo. God bless everyone.

#
Iparamdam ang iyong suporta! Vote for your favorite SLP portraits now!
Voting is open until December 1, 5:00 p.m. only.

𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐍𝐨𝐭𝐢𝐜𝐞!
𝑻𝒉𝒆 𝒖𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒂𝒖𝒕𝒐 𝒍𝒊𝒌𝒆𝒔, 𝒃𝒐𝒕𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒑𝒂𝒊𝒅 𝒐𝒓 𝒂𝒖𝒕𝒐𝒎𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒆𝒕𝒉𝒐𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒂𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒃𝒐𝒐𝒔𝒕 𝒓𝒆𝒂𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒊𝒔 𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕𝒍𝒚 𝒑𝒓𝒐𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕𝒆𝒅. 𝑬𝒏𝒕𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅 𝒆𝒎𝒑𝒍𝒐𝒚𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒕𝒂𝒄𝒕𝒊𝒄𝒔 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒃𝒆 𝒅𝒊𝒔𝒒𝒖𝒂𝒍𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏.

Sulong Kabuhayan, tungo sa Pagyabong!






27/11/2025

The National Council on Disability Affairs (NCDA) has released an official statement regarding the film poster “NGONGO”, expressing deep concern and strong condemnation over the use of derogatory and discriminatory language against persons with disabilities.

The Council reiterates that disability should never be used as a joke, insult, or form of mockery, and calls on the media and creative industry to uphold dignity, respect, and inclusive representation in all forms of content.

NCDA is now coordinating with relevant government agencies to review the matter and determine appropriate actions in line with existing laws and human rights standards.

📌 Read the full statement here: https://www.facebook.com/share/p/1A68qbV73c/

26/11/2025

Mas gumagaan ang pakiramdam kapag nagku-kuwento!
Ang pag-share ng feelings sa taong pinagkakatiwalaan mo ay nakakatulong magpababa ng stress at nakakapag-improve ng well-being (NIMH, 2022).

At kung kailangan mo ng professional help, bukas ang ating Pasig Health Centers para sa’yo!

Reference:
NIMH. (2022). Caring for Your Mental Health.
https://www.nimh.nih.gov/health/topics/caring-for-your-mental-health

25/11/2025

Halos isang linggo na lang bago ang Philippine Disability Expo 2025! 🇵🇭

Tara na sa Philippine Disability Expo 2025, handog ng National Council on Disability Affairs (NCDA), Project Inclusion Network (PIN), at Philippine Business and Disability Network (PBDN)!

📅 Disyembre 2–4, 2025
📍 SM Megamall Trade Halls 1–2

Register here to get your FREE access: https://tinyurl.com/DisabilityExpo2025Reg

25/11/2025
25/11/2025
25/11/2025

⚠️ SCAM ALERT | Beware: Fake DSWD unified ID emails are circulating

The Department of Social Welfare and Development - DSWD warns the public regarding fake emails being circulated concerning ‘DSWD Unified ID.’

The DSWD clarified that the only Unified ID system is for Persons with Disabilities (PWDs) in collaboration with the National Council on Disability Affairs (NCDA).

Address

Persons With Disability Affairs Office, Tanghalang Pasigueño, Pasig City Hall Complex, Caruncho Avenue, Barangay San Nicolas, Pasig City
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Telephone

+639283435576

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasig City PDAO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Pasig City PDAO:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram