22/07/2025
Magandang araw! Sarado po ang RizalMed Cancer Center bukas, 23 Hulyo 2025 (Miyerkules). Sa mga naka-iskedyul po ng chemotherapy at konsultasyon, pakihintay na lamang po ang abiso sa pamamagitan ng text message sa mga susunod na araw patungkol sa inyong bagong iskedyul. Mag-iingat po tayo. Maraming salamat po.
⚠️PABATID⚠️
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 90 ng Malacañang, SUSPENDIDO ang trabaho sa gobyerno sa MIYERKULES, ika-23 ng HULYO 2025, sa mga piling lugar kabilang ang Metro Manila, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o “HABAGAT”.
Kaugnay nito, SUSPENDIDO ang trabaho sa MGA OPISINA at OUT-PATIENT DEPARTMENT (OPD) ng RizalMed sa nasabing araw.
Isang SKELETON WORKFORCE ang ipapatupad para sa mga opisina/yunit na naatasang magbigay ng EMERGENCY o FRONTLINE SERVICES. Ang aming OB Emergency at Main Emergency Room (ER) ay mananatiling
BUKAS/OPERATIONAL 24/7.
Para sa kaalaman at gabay ng lahat.
Ingat, Ka-RizalMed!