21/10/2025
🚫 PARENTS! HUWAG IPAGSAWALANG-BAHALA! ANG USOK NG YOSI AY LASON SA MGA BATA… 🚭
“Ang lusog ng anak mo, bakit may pneumonia?”
Yan ang tanong ng pedia sa akin…
👩⚕️ Pedia: “May naninigarilyo ba sa bahay?”
👩🦰 Me: “Yes.”
👩⚕️ Pedia: “’Yan ang pinakaunang dahilan kung bakit nagkakaroon ng plema ang baga ng bata.”
Grabe, diba mga Ka-Misis? 😔 Ang 2nd hand smoke o usok galing sa naninigarilyo ay mas delikado pa sa mismong nagyoyosi! May ni****ne at iba pang kemikal na unti-unting sumisira sa baga ng bata.
⛔️ Kapag nalalanghap ng bata ang usok, unti-unting binabalot ng ni****ne ang baga.
⛔️ Dahil dito, hindi makalaban ang lungs sa mga bacteria.
⛔️ Naaipon ang plema, nahihirapan huminga, at nagiging daan sa pneumonia.
⛔️ Mas malala, hindi marunong lumunok o lumungad ng plema ang bata, kaya naiipon ito hanggang sa posibleng ikamatay. 😢
Kaya kung na-admit si baby dahil sa pneumonia, dapat iwas na iwas na siya sa usok ng yosi. The more may nagyoyosi sa bahay, the more din mabilis magkasakit si baby.
⸻
😤 Pero paano kung sa mismong bahay may nagyoyosi?
(lolo, papa, tito, tita, o minsan mismong bisita pa?)
👩⚕️ Pedia: “Sabihin mo, layas muna! Bawal sa bata ang usok!”
Kahit kakatapos lang manigarilyo at lumapit agad sa bata, delikado pa rin.
May bacteria at ni****ne pa sa kamay, damit, at bibig.
✅ Kaya dapat bago lumapit sa baby:
• Maghugas ng kamay
• Mag-toothbrush
• Uminom ng tubig
• Maghintay muna bago humalubilo sa bata
⸻
💔 Minsan kasi kahit sinasabihan, hindi pa rin nakikinig.
Pero bilang mga magulang, tayo ang may tungkulin protektahan ang mga anak natin. Ang simpleng usok lang, pwedeng magdulot ng matinding sakit — o buhay na kapalit. ☹️
Mga Ka-Mommy, let’s spread awareness.
🚫 No to smoking near kids!
🚫 No to secondhand smoke!
💚 Protect our little lungs!
📍Story from: Ishiyama Vlog Mix